killer

35 1 0
                                    

Dinriel pov

KANINA pa ako naiihi pero pinipigilan ko lang talaga kung tutuusin nasa gubat na man kami kahit saan lugar pwede akong umihi ngunit nagdadalawang-isip akong umihi lalo na't nagmamadali ang mga kasama ko para hindi kami aabotin ng malalim na gabi. Masyadong delikado ang isla kahit tirik ang araw, kaya nasisiguro kong mas mapanganib sa gabi.

"Hindi ba tayo magpapahinga kahit sandali lang I'm so pagod na talaga" maarteng tugon ni Princess. Bigla naman akong natuwa sa desisyon niya.

"Sige, Mas mabuting magpahinga muna tayo sandali" tugon ni Cris at agad din akong napa yes sa isip ko.

Sa wakas makakaihi na rin ako.

"Ui! iwan ko muna kayo dito sandali lang naman ako hehe, ihing-ihi na talaga ako!" Pagpapaalam ko at tumango lang ang mga ito. Mabilis akong  naglakad palayo sa kanila papunta sa isang liblib na lugar para umihi at sa wakas nalabas ko narin ang kanina ko pang pinipigilang ihi medyo nangisay pa ako pagkatapos at nakangiting huminga ng malalim.

Sumakit talaga pantog ko kanina

Paalis na sana ako ng may narinig akong yapak ng tao. Bwisit mukhang may gusto pa atang manakot sa akin.

"Sino yan? Cris kayo bayan" 
Sigaw ko pero walang sumagot. Yari na talaga ako nito baka hindi to tao.

Takot ako sa maligno bwisit!

Siguro guni-guni ko lang yun kaya naisip ko nalang na bumalik don sa pagkikitaan namin total naman malapit ng lumalim ang gabi.
Tahimik akong naglalakad mag isa ng biglang may humila sa leeg ko namimilipit ako dahil di na ako makahinga hanggang natilapon ako sa lupa at nakita ko na naman ang babaeng nakaputi at nakaboots na habang dala2x ang matulis nyang itak.

"A-anong g-gagawin mo sakin?" Nauutal kong tanong at hindi ito sumagot nagsimula itong lumapit sakin habang paatras ako ng paatras para hindi nya ko maabotan at nanginginig na rin yung mga tuhod ko sa pwede nyang gawin.

"W-wag kang lalapit!" Atungal ko at iniharang pa ang dalawa kong kamay.

"A-ano? bingi ka ba?" Nauutal ko pang dagdag. Mukhang seryuso talaga ang isang to. Nagpatuloy lang ako sa pag atras ko hanggang sa dead end ko na sa isang malaking bato.

"K-kung ano man yang iniisip mo sa...sana mag...magbago iyan, Ma...awa ka sakin"  hindi niya ako sinagot at mabilis na initak ako, naramdaman ko namang nasugatan ako sa may tiyan at ilang segundo lang naramdaman ko ang matinding sakit at halos tumirik na ang mata ko sa sakit, napapikit pa ako sa tuwing iihip ang hangin dahil mas lalong sumasakit ang hiwa, unti-unti akong nawalan ng lakas kasabay ng pag-agos ng dugo mula sa bibig ko napaubo pa ako at initak niya ako ulit doon mismo sa sugat kaya naisuka ko ang napakarami kong dugo. Sa aking isipan hindi na ako magtatagal o mabubuhay pa wala na rin akong lakas, napatitig na lamang ako sa kalangitan at ngumiti na parang nauulol na aso.

"k..kung ito na ang ka...tapusan ko hangad ko sa...na na ma...ma...patawad mo a...ko sa lahat ng ka...salanan ko" pagtukoy ko sa panginoon at pa ulit ulit nya akong iniitak. hanggang sa maramdaman ko nalang ang pamamanhid ng buo kong katawan.

Cris pov

"My gaadd asan na ba si Dinriel kanina pa tayo nandito ah, I'm so hungry na" Pagrereklamo ni princess.

Tama na ang oras na pahinga namin kaya mas maiging magsikilos na kami pabalik para hindi maabutan ng malalim na gabi.

"Hahanapin ko muna sya! Hintayin nyo ko dito" pagprepresenta ko

"Sige! Mag-ingat ka" saad ni Marihnel at tinapik ako sa balikat.

"Cris! Sama nalang ako, gusto din kitang samahan" nag-aalalang tingin sakin ni Jessica.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Missing Section Sunflower ( Under Major Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon