Chapter 2: STARE

2.2K 51 17
                                    

CHAPTER 2: STARE

Hindi pa din ako tinatantanan nina Xiara at Yna dun sa "kilig" moment daw with Dane. Eh anong nakakakilig don?! Nabunggo nga diba?! More off nakakahiya moment pa yun!

"Ano ba Xiara. Tama na nga yan. -_-" Irita kong saway sa kanya. Imbes kasi mag-aral, bukambibig nalang si Dane. Jusko.

 

"Yikee! Aminin mo na kasi! Crush mo si Dane!" Tukso niya.

"Hindi nga okay. Nakabunggo ko lang, crush agad?! Baka ikaw yun."

"HAHAHA. Ex-crush ko na si Dane! Kaya iyong-iyo na siya!"

Napanganga naman ako sa sinabi niya. Dumaan na pala sa mga mata niya yun, at shempre, sa sandaling panahon lang.

Napa-Ah nalang ako sa kanya at tinuloy ang pagaaral ng parasites. Baka biglang magpaquiz ung prof namin dito. Stock knowledge na naman gamitin ko, eh wala na ngang naiwan sa stock knowledge ko!

"Uy Kat." Biglang dumating si Kuya Lars kasama si Yna.

"Oh? Bakit? Tapos na klase mo?" Tanong ko. Iba kasi ung block ni Kuya Lars. Irreg kasi, nagpasaway last year kaya ayan, inulit ang Microbio. Nasa klase namin siya.

Pero blessing in disguise naman ung pagkakarepeat niya, nameet niya si Yna. :">

"Oo. Ginagawa mo? Tinititigan mo nalang yang book. Baka kainin ka bigla niyan!" At natawa siya sa sinabi niya.

Hilig talaga nitong i-bully ako. Kainis.

"Sana nga kainin na ko nitong libro para parte na kami ng sistema ng isa't isa. Di na ko mahihirapang mag-aral." Sagot ko. Akala niya ah!

"GEEK!" Sigaw nilang tatlo sa akin at nagtawanan sila.

"Pft." At binalik na ulit ang tingin ko sa libro ko.

Nagingay lang silang tatlo dun. Dumating na din sina Mico at Yanna. Dismissal na daw nila eh. Buti pa sila, kami kasi may Microbio pa. Pipigain pa mga utak namin bago kami umuwi.

"Oy, time na!" Sigaw ni Kuya Lars.

 

"May pangalan kami Lars." Tukso ni Yna sa kanya.

 

"Oo na, oo na. Tara na nga." Yaya ni Kuya Lars sa amin.

At nagumpisa na nga ang klase namin.

**

Stop, Stare, and Fall In Love || COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon