Si Rina isang spoiled na anak ni Mr. Russel Xander Ward at Mrs. Zaira Lorraine Ward, lahat ng gusto nito ay nakukuha nya dahil iisang anak lang ito. Maganda at matalinong bata, pangarap nitong maging doktor balang araw.
Madaming naiingit kay Rina sa sarili niyang school lalo na't sila ang may ari ng Ward University. Napaka perpektong babae na ni Rina kaya wala na siyang mahihiling pa kaso ngalang nagbago iyon ng iwan siya na pinaka mamahal niya na si Kian Zander Lee, isang gwapo, matalino at mayamang lalaki madami ang nagkakagusto pero walang nagtangka dahil boyfriend ito ni Rina. Ngayong wala na sila dahil nakipaghiwalay si Kian ng walang dahilan, sobrang nasaktan si Rina sa ginawa ni Kian at hanggang ngayon hindi padin ito nakakamove-on kahit isang taon na ang nakakalipas.
Hindi maintindihan ni Rina kung bakit siya hiniwalayan ni Kian eh masaya naman sila, lagi nalang niya tinatanong sa isip kung may mali ba siyang ginawa? kulang pa ba lahat ng pagmamahal na binigay nya?. Tuwing naaalala ni Rina si Kian lagi nalang ito umiiyak minsan hindi na ito kumakain, ayaw nya naman sabihin sa magulang nya dahil baka mag alala ang mga ito sa kanya.
Kaya habang bakasyon pa sila ay ginagawa ni Rina lahat ng pwedeng pagkaabalahan para makalimutan nya na ang kanyang ex. Madaming talent si Rina marunong sumaway, kumanta, magguitar, piano, volleyball at iba pa. Meron din syang kaibigan sina Nicole at Mae, since elementary magkakaibigan na sila super close at mayayaman din sila.
Lagi silang lumalabas ng mga kaibigan nya, sa Mall ang fav nilang puntahan syempre laging bumibili ng mga bagong damit o kaya mga bags yun nadin ang bonding nilang tatlo. Malapit na ang pasukan kaya namimili na sila ng mga gamit, alam nyo ba si Rina laging bagong sapatos ang binibili dahil madami syang collection ng mga sapatos at pinapadami nya pa ito mahal na mahal nya nga mga sapatos nya kaya.
Pagkauwi nya sumalubong agad ang kanyang mga alaga tatlo ang aso nya dalwang pom at isang husky. masaya nya itong niyakap at hinalikan naman siya ng mga ito nakipaglaro muna sya bago pumasok sa bahay nila. At ng mapagod na sya ay pumasok na sya at naglinis ng katawan bago bumaba para sa dinner nila. Pagkatapos nya at bumaba na siya at sumalubong agad ang Mommy nya sa kanya at nagulat ito dahil nakauwi na pala ang anak niya. Kumain sila wala pa ang Daddy nya dahil may inaasikaso para sa nalalapit na pasukan.
Umakyat na si Rina sa kanyang kwaro para matulog. Kinabukasan ay nagising siya ng maaga at dahil maganda ang sikat ng araw nagswimming muna siya. Maagang umalis ang magulang niya kaya siya at ang mga katulong lang ang nasa bahay, natapos siya ay nagbanlaw na siya at nagbihis naalala na naman niya ang breakup nila ng kanyang ex sobrang mahal niya ito kaya sobra din ang sakit na dulot nito kay Rina. Bukas pasukan na kaya pinahanda na ni rina ang uniform na susuotin nya at mga gamit niya.
YOU ARE READING
How love can help you?
Teen FictionAshley Clarisse Rina Ward isang perpektong babae na kinaiinggitan ng karamihan dahil sa taglay nitong kagandahan at isang matalinong bata at anak lang naman siya ng nagmamay-ari ng Ward University. Nasa kanya na lahat ano pa bang hihilingin niya? At...