Hello:) Ako nga pala si Rowell “SinPsy" Sinsay. Nasulat ko ang kwento nato base sa totoong istorya ng buhay ko but I'm only 18 so wala pa talaga akong ending so i make my own story and my own ending. Sa totoo lang hindi talaga pagsulat ang hilig ko, ang totoo pagdo-drawing ang talent ko pero kasama na siguro sa magaling magdrawing ang malawak na imahinasyon.
Mahirap magtiwala, kapag nagkaka gf ako madalas akong magselos kasi nga wala akong tiwala. Madami naman sigurong nakakaranas nyan, ganun suguro tlga kapag hindi mo pinaghihirapan ang isang bagay, mabilis mawala. Wala na kasi masyadong girl na nagpapaligaw ng kahit 1 month. Basta gwapo o type nya din ang guy na nanliligaw sakanya siguradong ilang days palang eh sasagutin nya na ito. Kaya siguro wala manlang tumagal na gf ko sakin, hindi ko pa kasi sila kilala kaya wala akong tiwala. Palageng ako ang nakikipagbreak basta makaramdam lang ako ng selos. Kung ano ano na kasing pumapasok sa utak ko. Pero nang makilala ko ang pangarap ko bakit parang tiwalang tiwala ako sakanya na alam kong hindi nya kayang manloko o gumawa ng masama. Palagi kasing nasa church ang babaeng pinapangarap ko kaya kung magiging kame man siguro sya na talaga ang papakasalan ko. Natural ang magselos pero never akong magdududa sakanya. She's so very special for me. Kaya kong maghintay para sakanya kahit gaano pa katagal. Malupit talaga ang love na yan kapag tinamaan ka talaga. Kaya ngayon sya parin ang laman ng puso't isipan ko, sya parin ang pinapangarap ko at hindi na magbabago yun. ILOVEYOU heheh pero pumasok sa isip ko ang tanong na PANO KUNG? Madaming tanong na pano kung na pumasok sa utak ko. Pano kung makahanap sya ng iba, pano kung hindi nya talaga ako magustuhan, pano kung mamatay ako hahah OA! Masyado pa kasi akong bata ahm binata nako sa totoo lang ang iba ko ngang kabatch eh dalawa na ang anak at madaming mas bata sakin na ama na pero hindi ako tutulad sa kanila. Nalihis ang kwento ko hahah eto na, masyado pa akong bata para makasiguro na sya na talaga ang babae sa buhay ko pero sa isip ko na kakayanin ko pero ang iniisip ko ay kung ganun din kaya sya? Puro ako pero hahah. Masyado kasi akong nega, anong magagawa ko eh sa ganto ako eh. Nega man ako mag isip, totoo naman akong umibig! Yun sana! Hahah osige na eto na, sana magustuhan nyo ang kwento na nagsimula sa tanong na panu kung?, enjoy:)......