Hi im Ruth Cyril Locsin 17 years old na ko at 1st year College ba sa isang Private School Nakapasok ako Dito bilang Scholar Di naman sa pagmamayabang Matalino ako simula eLementary kaya Nakakuha ako ng Scholarship .
On the way na ko sa school nagcocommute Lang ako sakay ng jeep . mga ilang minuto lang naman ang byahe Hindi naman masyadong kalayuan ang school . nandito na ko sa Labas ng napakalaking School na pinapasukan ko , kapag unang pasok mo palang dito siguradong maliligaw ka ganun kase nangyare saken nung First day ko dito Ayoko ng ikwento masyadong mahaba marami kaseng nangyare nung araw na naligaw ako eh !
1 month na ko sa school na to may mga naging kaibigan naman na ako dito sa school na to kaya hindi na ako nabobored . may mga mababaet din palang mayayaman dito katulad ko kala ko kase lahat ng mayayaman dito matataray, maarte, mapanglait sa mga mahihirap, puro pasikat lang ang alam, yung mga ugali ba ng kabaliktaran ng taong mabuti mga ganung ugali .
marami pa kong sinasabe ang bagal ko pang maglakad mamaya na ko magkukwento baka malate ako mawala pa Scholarship ko . Lakad . Lakad . Lakad Nandito na ko sa Room marami na ring mga nasa Loob ng room nandun na rin yung mga bagong kaibigan ko sa school na to . pumasok na ko sa loob at nagdire-diretso na sa mga kaibigan ko nasa bandang Likuran ang pwesto namen yung mga nasa harap kase yung mga mayayamang ayoko ang ugali pagdumaraan nga ko sa kanila kung makatitig saken wagas parang nilulusaw nila ko sa isip nila yung tingin nila saken mula ulo hanggang paa Maganda Echosss :))
hindi ko na lang sila pinapansin ayoko ng away baka mawala scholarship ko sayang din to wala pa naman akong gastos libre lahat . kaya naman akong pagaralin nila mommy at daddy dito ayaw nga nilang kumuha ako ng scholarship dito Eh sadyang Makulet talaga ko kaya Pumayag nalang Sila ayoko kaseng iasa lahat kanila mommy at daddy gusto kong mag-aral gamit ang kakayahan ko kaya ayun kumuha ako ng scholarship.
sinabe ko na rin sa mga kaibigan ko kung bakit kumuha ako ng Scholarship kahit na kaya naman akong pag-aralin ng parents ko sa isang private school , bago ko pa ikwento sa kanila yun kaibigan ko na sila kala nga nila mahirap lang kame kase nga scholar ako .
May pwesto kame dito sa cafeteria kame lang ang pwedeng pumwesto dito yare sila kay mitch Grabe yan si Mitch sa iba Sobrang Taray Promise nung unang beses nameng nagkita ang baet nya saken para syang baliw eh ! kaya ayun nga kame lang dito kaya kahit mahuli kame sa cafeteria may pwesto parin kame ahehe Oh dba di na ko mahihirapan maghanap ng pwesto :)
bumili na kame ng kanya-kanyang pagkaen namen tapos umupo na kame magsisimula na sana kameng kumaen ng magtilian ang mga babae dito sa loob may mga nagbubulungan den nandito na pala yung mga Feeling Gwapo Apat sila dire-diretso na lang sila sa counter para kumuha ng pagkaen nila
nagulat ako ang apat nagtitili din karinde abat nagretouch pa kaloka nakijoin din sila sa mga babae ditong nagtitili
ako eto sinimulan ng kumaen pinaupo ko na rin itong apat akala ko hindi pa magpapapigil eh pagsasampalin ko to eh joke.
habang kumakaen ang mga loka tumutingin-tingin sa mga Feeling Gwapo na yun nag papacute pa shocks anyare sa mga to
nasa bandang gitna yung pwesto ng mga Feeling Gwapo gusto talaga ng sentro ng atraksyon .
nakakarindi tong mga babae sa paligid kaya binilisan ko ng kumaen etong apat ang hinhin kumaen nagpapacute kala mo naman titingnan sila nung mga yun .
ganito ba talaga epekto ng mga Feeling Gwapo na yan ?
Tumayo na ko at pinagsasabunutan ng mahina ang apat na to ang arte magreact ng mga to kaloka na ah . sinabe ko sa kanila kahit anong pa cute pa ang gawin niyo hindi kayo papansinin niyan at ang apat aba nagpout pa kala naman nila uubra saken nilakihan ko lang sila ng mata sabe ko sa kanila bumalik na kame sa room parang ayaw pa ng apat tumalikod na ko at naglakad na madadaanan ko yung pwesto ng mga Feeling Gwapo ramdam ko ng nakasunod ang apat pero medyo malayo sila ng konti saken pahinhin lakad pa siguro kase kahit hindi ko sila tingnan .
