First one shot ko po ito
So enjoy reading po ^^
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
Sabi nila ang pinaka mahirap na relasyon ay ang Long distance relationship dahil sobrang layo nyo sa isa't isa depensa naman ng ilan hindi long distance relationship ang mahirap dahil yung iba mag kalapit na nga di pa rin matatag ang pag sasama.
Para naman sa akin parang wala pang hihirap sa pinagdadaanan ko ngayun dahil wala nang hihirap kung mas malayo pa sa aabutin ng long distance relationship yung tipong wala naman sya sa earth, wala naman talaga sya kahit saan, hindi mo sya nararadaman kahit gustuhin mo, yung kahit gustuhin mo syang tawagan o itxt gaya ng ginagawa ng nasa long distance relationship o sa magkalapit lang pero di mo magawa kasi imposible. Yun ang ginagawa kong pag mamahal ngayun.. sabi nga nang magulang ko mag move on na ako kasi ako lang ang mahihirapan at sabi naman ng mga kaibigan ko endless ang love ko para sa kanya bakit hindi na lang daw ako humanap ng iba. kahit naman makahanap ako nang iba walang papalit sa kanya.
Ang tanong ko lang sa sarili ko kailan kaya ako sasaya kung alam kong kahit anung gawin ko mahal ko pa din sya at mamahalin pa rin kahit anung mangyari.. meron kayang mag papasaya sa akin ulit??
BINABASA MO ANG
Endless Love [BTS YOONGI FANFIC] COMPLETED
FanfictionSabi nila pag mahal mo ang tao gagawin mo ang lahat. Kaso ginawa mo naman lahat para sa kanya kaso may nangyaring di mo inaasahan. Iniwan ka nya yung iwan na di mo gugustuhin dahil di mo na sya makikita, mahahawakan, at mayayakap. Hanggang kailan mo...