"Aly gumising ka na hapon na may pupuntahan ka pa"
"Hmmm inaantok pa ako Yoongi pwede 10 minutes pa"
"Sus humirit pa... tayo na kasi sige ka magtatampo ako sayo nyan"
"Ha?? Sige na nga tatayo na. Ay teka magic word muna"
"Ang arte talaga ng mahal ko.. I Love You" sabi nya with kiss pa sa noo. Napangiti ako.
"I Love you too..."
Tapos napadilat ako. Panaginip nanaman.
Lagi naman. Oo nga pala may pupuntahan pa pala ako kaso hapon na nakahiga pa rin ako sa kama.May dahilan pa ba ako bumangon kung hindi ko naman sya pwedeng makita, mayakap at maka-usap man lang?
Hindi ko namalayan umiiyak nanaman ako. Ilang libong beses ko na ba ginagawa ito?? Ang bigat lang kasi sa pakiramdam nito.
Kahit ilang beses ko pagurin ang sarili ko, pag nag iisa na ako ganun pa rin bumabalik lahat.
Sana kasi bumalik ka na.....
Konti na lang bibigay na ako....
Pero bakit ngayun pa ako bibigay kung ilang taon ko na to ginagawa, siguro napapagod na ako?? Di ko rin alam....
Kaya nung gumaan gaan na ang pakiramdam ko tumayo na ako sa pag kakahiga at naligo tapos nag bihis.
Bago ako umalis pinakatitigan ko yung huling picture namin... masaya kami... sobrang saya namin sa picture na iyon sana ganun pa rin ngayun pero imposible... kaya umalis na ako bago pa ako maiyak.
Sumakay na ako sa kotse at nag drive papuntang flowershop. Binili ko yung favorite nyang bulaklak kasi sabi nya sa akin kanina mag tatampo sya... napangiti ako nung maalala ko yung panaginip ko kanina kaso panandalian lang na mga ngiti iyon, kaya nag drive na ulit ako papunta kung nasaan sya.
Dumating ako sa beach house namin dito sa ilo-ilo. Binili namin to ni yoongi para pag kinasal kami dito kami titira at mag kakaroon ng masayang pamilya at nandito sya kasi dito ko sinaboy ang mga abo nya.
"Yoongi andito na ako kaya wag ka na magtatampo ah.... ang dami kong dalang flowers para sayo. Ay Oo nga pala malaki na pinagbago ng business natin... nakapag patayo ako nang bagong branch kahit 4 years na ang nakakalipas nung mawala ka at kahit mag isa na lang ako na kaya ko naman kasi alam kong nandyan ka lang naman di ba? Binabantayan mo ako."
Baliw na ata ako kasi kinakausap ko ang kawalan, Alam ko namang di sya sasagot. Napangiti ako ng mapait naalala ko nanaman ang pangyayaring yun. Ang pangyayari kung saan ko sya huling nayakap, nakitang naka ngiti at narinig.
Napaupo na lang ako sa buhanginan na umiiyak ng malakas na akala mo wala nang bukas. Ayos lang naman dahil ako lang naman mag isa dito. Bumabalik nanaman kasi ang pangyayaring pilit kong kinalimutan na sana di na lang nangyari.
*Flashback*
"Yoongi happy anniversary... para sayo oh pinag ipunan ko yan ^_^"
"Thank you Aly, ikaw talaga nag abala ka pa dapat di ka na nagregalo pa kasi kaw lang sapat na hahahaha" namula naman ako sa sinabi nya ang cute nya talaga.
"Ang corny mo ah.... eh yung gift ko asan??" Sabi ko
"Ah Oo ito na po soon to be Alyssa Min hahaha"
"Ehhh? Ano toh??"
"Sorry naman ah yan lang nakayanan ko kasi busy much sa business natin hahaha... basahin mo na lang"
"Ano ba yan sulat lang gift mo.. hmp!!"
"Ah ganon akin na nga yan. Ayaw mo naman pala eh"
"Joke lang naman hahaha. kahit ano ibigay mo basta galing sayo mahalaga sa akin hahaha... sige babasahin ko na"
BINABASA MO ANG
Endless Love [BTS YOONGI FANFIC] COMPLETED
FanfictionSabi nila pag mahal mo ang tao gagawin mo ang lahat. Kaso ginawa mo naman lahat para sa kanya kaso may nangyaring di mo inaasahan. Iniwan ka nya yung iwan na di mo gugustuhin dahil di mo na sya makikita, mahahawakan, at mayayakap. Hanggang kailan mo...