elevator (2nd floor)

87 2 0
                                    

Nasa Davao kami nun  ng family ko since Semana Santa naman just a short vacation. Masayang masaya kami kasi pati family friends namin ay kasama namin. Tumuloy kami sa isang dormitel dun,full of color green ang dormitel na yun. Bago ko ikwento ang lahat ako nga pala si Clara,20years old and I have a twin her name is Claine. Siya yung lagi kong kasama kahit saan ako magpunta best buddy ko talaga yang kambal ko. Lagi kaming nag-aaway pero nagbabati naman agad, lambingan lang naming dalawa ang pag-aaway ^__^.

Mga alas8 na ng gabi nung nagpasama ako kay Claine na bumili ng load sa tapat ng dormitel. Pagkatapos kong bumili load sinabi ko sa kanya na huwag muna kaming umakyat sa kwarto tutal wala naman kaming gagawin dun at maaga pa naman bago matulog,pumayag naman siya. "Ano ang gusto mong gawin natin?" tanong ko kay Claine. " Hmm libutin na lang natin tong dormitel, puntahan natin ang bawat floor tignan natin kung ano pa ang meron dito bukod sa mga rooms."

Pumayag naman ako sa sinabi niya. Sumakay na kami sa elevator. Una kaming pumunta sa 5th floor,nasa 4th floor kasi ang aming room. Nasa 5th floor na kami,office lang mayroon dun. Ayun may konting tao pa naman sa tingin namin eh mga employee yun ng dormitel. Kaya bumalik kami sa elevator at napadesisyunan namin na pumunta sa 3rd floor. "Ano kayang meron sa 3rd floor?" Tanong ni Claine. "Tignan na lang natin." sagot ko. Ting! nandito na kami sa 3rd floor. "Wooaw! May spa pala dito!" sabi ko. "Oo nga! Ang ganda naman! Dito ba galing kanina sila ate Marie?" manghang sabi ni Claine.Si ate Marie ay pinsan namin. "Oo dito nga." sagot ko naman. "Ayy halika na nga sa iba naman tayo wala naman strange dito eh" sabi ni kambal Claine. Tumango naman ako. "Sa basement naman tayo!" Tumango ako ulit. Nasa elevator na kami ni kambal at pinindot nya na B. Pagbukas ng pinto ng elevator nakita naming walang tao dun kaya naman napagdesisyunan namin na bumalik na sa aming room. "Clara balik na tayo!Nakakatakot naman sa basement!" "Sige!"

Nasa labas na kami ng room namin. "Claine punta tayo sa 2nd floor yun na lang ang hindi pa natin napupuntahan" sabi ko sa kanya. "Sige ba!" Pumunta na kami ulit sa elevator at pinindot ang 2. Ilang sandali lang ay nasa 2nd floor na kami. Bumukas na ang pinto ng elevator pagkita namin wala ng tao pero may mini shop dun kaya naman lumabas kami sa elevator. "Huy oh tignan mo may shop dito oh ang gaganda ng mga damit at bags!" sabi ni Claine. "Oo nga nuh pero teka ano naman itong nasa bandang kaliwa?" "Clinic ata." sagot ni Claine. "Clinic nga" " Tignan mo nga kung mayroon pang mga tao." "Wala na ata"Sabi ko. "Tara ground floor na tayo! bukas na lang tayo bumalik dito.Nakakatakot eh!" "Oo nga halika na" sagot ko. Nung nasa ground floor na kami natatakot pa rin kame ng kambal ko kaya nagyaya na si Claone na bumalik na lang sa room natin. Pumasok na kami sa elevator. "Pindutin mo na yung 4. Baka 2 pa yang mapindot mo ah tatanga tanga ka pa naman. Ayoko ng bumalik dun." sabi niya. "Oo na. eto na oh kita mo ah nasa 4!" "Mabuti naman. Kaming dalawa ay nakatingin sa taas kung saan makikita ang numero kung anong floor na ngunit bigla kaming nagulat at tumigil ito sa second floor. Bumukas ang pinto at nagkatinginan kami ng kambal ko. Hindi kami nakapagsalita. Iba ang nararamdaman ko at alam kong ganun din ang kambal ko. Tinignan ko ang mirror ng mini shop para tignan kung may tao sa kabilang elevator (dalawa kasi yung elevator) pero pagkakita ko wala. Kaya dali-dali kong pinindot ang 4 para makabalik na sa room pero ang tagal-tagal magclose ng door ng elevator. Tumingin ako kay Claine at alam kong takot na rin siya. Bakas sa mukha niya na gusto niya ng sumigaw pero pinipigilan noya lang, ganun din naman ako.Pinindot ko ng pinindot ang 4 at ayun sa wakas nagcose na din ang door. Pero ang tagal nun ah bago magsera.

Nagclose na nga ang door ng second floor at wala na kami doon pero hindi pa rin kami nagkikibuan ni Claine.

Ting! Nasa 4th floor na kami at pagkabukas nang pagkabukas ng door ay nagsigawan kaming dalawa at tumakba papunta sa room. Wala na kaming pakialam kung nagtinginan sa amin ang mga tao basta ang mahalaga nakasigaw kami.

Pagdating ng room kwinento namin sa mga pinsan namin ang nangyari. Ayun pumunta ang dalawang pinsan namin sa 2nd floor. Kakaiba din daw ang pakiramdam nila doon.

"Clara alam mo ba habang nasa 2nd floor tayo kanina gusto ko sanang sabihin sayo na umalis na tayo dun, pero hindi ako nakapagsalita kasi feeling ko kapag nagsalita ako may lalabas na kung ano eh, alam mo na kung ano yun"

"Ako nga din Claine eh ganun din ako kaya nga hindi din kita kinausap nun. Kaya nga pinindot ko na lang agad ang 4"

"Kambal talaga tayo! hahaha! Pero di biro yun ah. Ang lamig dun nuh, naramdaman mo ba yun?"

"Oo Claine naramdaman ko yun. Napansin mo din bang parang may nakatingin sa atin at tila ba may papalapit?"

"Oo. Kaya nga ayoko talagang magsalita eh. "

"Hmm sana di na ulit yun mangyari sa atin. Kaya bukas huwag na mag-elevator, maghagdan na lang tayo"

"Ehh nakakapagod din naman."

"Ano gusto mo mangyari din yun ulit sa atin?"

"Ayoko na. Sabi ko nga kahit nakakapagod basta wag lang mag elevator. Tara tulog na tayo baka mapaginipan pa natin yun”

"Sige. Magdasal muna bago matulog"

"Opo." Sagot ni Claine.

Kaya simula nung mangyari yun hindi na kami nag-eelevator nang kaming dalawa dapat laging may kasama:)

Kaya kayo ingat sa elevator:)

(Sana nagustuhan nyo. First timer lang po)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

2nd floorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon