HINDI TAYO PWEDE
By: XiovieneMeron akong crush sa school namin. As in sobrang gwapo niya like argh! Nakakainlove ang ngiti saka friendly siya.
One time, my friends and I played a game at ang matalo sa game na to ay magkakaroon ng dare.
At punyeta! Ako ang natalo mga pre!
Ngumisi ang kaibigan ko, "Okay ang dare namin ay..." kinakabahan ako sa dare dahil parang may idea na ako. "Umamin ka sa crush mo!"
Napangiti naman ako. Sus! Ilang beses ko nang pinractice yan sa Cr ang pag amin ko no! Easy nalang.
"Sige ba!" Pumalakpak naman silang lahat
So hinanap namin yung crush ko.
Kinagat ko ang pang ibabang labi habang pinaglalaruan ang daliri ko.
"A-Ah, c-crush ki-kita..." pag amin ko. Pinagpapawisan na ang palad at ang noo ko.
Napakamot naman siya sa ulo. "H-Hindi tayo pwede e." Sabi niya
"Ha? A-Ano crush lang naman kita e." Kinakabahan kong sabi baka kasi may girlfriend na siya or what
"Pero wag kang mag expect ng something from me ha?" Nag aalinlangan pa siya tumango naman ako.
"Bakit?" I asked.
Lumapit siya at bumulong sa tenga ko, "Boys din kase ang gusto ko e." Saka siya tumili.
Fudge! Bakla yung crush ko!?
YOU ARE READING
Poem Shots (a collection of poems and stories written by me)
Randomtake a shot of poems and one shot of stories!