Sa pagpikit ng aking mga mata
Ikaw kaagad ang aking nakikita
Magkasama tayong dalawa
Nagtatawanan at masaya
Habang nakatitig sa isa't isa
At nakikinig sa paboritong kanta
Makita ka lang masaya sakin ay sapat na
Kahit dito lang sa mundong ako lang ang gumawa
Sa mundong ang aking isip lang ang may likha
Kung saan tayong dalawa lang ang magkasama
Mundong hinihiling ko na maging totoo sana
Itong mundong sa akin ay nagpapasaya
Minsan sinasabi nila
Na akoy nababaliw na
Dahil akoy tumatawa ng mag-isa
Pero ang totoo ay naiisip lang talaga kita
Naiisip ko yung maamo mong mukha
Naiisip ko yung taong hindi ko mahahawakan
Nakikita lang naman kita tuwing pipikit ang aking mata
Nakikita kitang nakatawa sa tuwing pipikit ang aking mata
Palaging naiisip ang iyong mukha
Sa pagtulog ko at kahit ako'y gising pa
Ikaw ang sa akin ay nagpapasaya
Ikaw ang nagpapaligaya
Ikaw ang nagbibigay kulay
Dito sa mundo kong nasira
Ikaw ang nandyan upang aking matakbuhan
Sa panahong ako'y nangangailangan ng karamay
Kahit alam ko ang katotohanan
Kahit alam kong ika'y panaginip lamang
Na hinding hindi magiging totoo kahit kailan
At hindi ka makakaalis sa aking isipan
Dahil ika'y purong imahinasyon lamang