Meeting.

75 4 2
                                    

Isang napakakagandang umaga sa Maynila. Kakatapos lang ng eskewela at bakasyon na. Ano nga ba pake niya? Eh hindi na naman siya estudyante. Hayaan na nga.

Naglakad-lakad ang isang lalaki sa may parke na malapit lamang sa bahay nila. Habang nagkukuha siya ng litrato sa magandang tanawin sa parkeng iyon ay bigla na lamang siyang may nakabunggong babae.

"Sorry" ang tanging lumabas sa bibig ng dalawa habang hindi sinasadyang makabunggo ang isa't-isa.

Tila para bang walang mangyari at bumalik muli sila sa kani-kanilang ginagawa. Ang lalaki ay bumalik muli sa pagkukuha ng litrato at ang babae naman ay nagpatuloy sa paglalakad sa kung saan man siya pupunta.

Mabagal na umandar ang araw at sadyang hindi maitanggi ng lalaki na naapektuhan na siya ng nakabunggo niyang babae kahapon. Ano bang nangyayari sa kanya?

Dahil sadyang para na siyang nababaliw sa kakaisip, kaya naman naghanap siya ng kadamay
para masabihan ang kakaibang nararamdaman niya ngayon. Ang kaibigan niya ang pinili niyang sabihan.

"Ano?! Nakabunggo mo lang nung isang araw at nainlove ka na?" Di makapaniwalang tanong ng kaibigan matapos mapakinggan ang kwento ng lalaki.

"Pero teka, nakuha mo ba pangalan niya?" Tanong muli ng kaibigan.

Umiling ang lalaki.

"Tsk, eh maganda ba siya? Sexy?"

"Sakto lang" sa katunayan maganda talaga ang babae ngunit hindi lang ito palaayos dahil simple lang siya manamit.

"Hina mo naman pare! Sa susunod kausapin mo pag nakasalubong mo ulit" Napakamot nalang sa ulo ang lalaki sa sinabi ng kaibigan. Mahina ang loob nito at mahiyain kaya mukhang mahihirapan siya sa pinagagawa nito.

---
Araw-araw ay bumabalik muli ang lalaki sa may parke at hinihintay na makasalubong o makita muli ang babae. Hindi niya gaano matandaan ang mukha nito ngunit hindi siya titigil sa paghihintay.

Hindi talaga magkasundo ang pagdaan ng dalawa sa parke, nagkakasalisi sila palagi ng punta. Tila ba ayaw talaga silang pagtagpuin ng tadhana. Ngunit walang paki dito ang lalaki at tinuloy parin ang pagpunta at paghihintay.

Napagod ang lalaki ngunit ayaw pa nitong sumuko, umupo na lamang siya sa isang Bench na medyo luma na dahil may dahon na ito sa ibabaw. Wala kasing may gustong umupo doon dahil mahilig ang mga tao sa damuhan umupo para magpiknik.

Nag-eensayo kasi siya ng sasabihin niya para sa muling pagkikita nila ng babaeng iniibig niya. Oo iniibig niya, mabilis man sa paningin ng iba ngunit iyon ang sinasabi ng puso niya.

'Uhh miss pwede bang matanong kung saan dito yung..' Hindi na niya tinuloy ang sasabihin dahil iniisip niya na para niyang ginagawang mapa ang babae.

'Miss ano pangalan mo?' Tingin naman sa sarili niya ngayon ay isang tambay na malandi.

'Miss pwede makahingi muna ng konting oras sayo para kausapin?' Para naman siyang salesman sa tanong niya.

Hindi niya na alam kung ano bang magandang sabihin kapag nagkita muli sila.

Inihawak niya ang kamay niya sa may bandang gitna sa taas ng Bench at pumwesto sa dulo sa kaliwang bahagi nito. May napansin siya na parang nakaukit doon. Dalawang letra...

Ano kaya to? Tanong niya sa sarili. Bumuntong hininga na lamang siya at tsaka pinagpaliban na lamang ang nabasa niya. Hindi niya na kaya pang mag-isip ng iba, sapat na ang problema niya na paghihintay sa babaeng mahigit isang linggo na niyang di nakikita.

Bigla siyang may naisip na isang kwento na parang gusto niyang sabihin sa babae kung sakali man magkita sila.

'Isang araw may lalaki at babae, pangalan ng lalaki ay Karl at ang babae ay Ayashi. Mayaman silang pareho ngunit hindi halata sa hitsura nila dahil sa paraan ng kanilang pananamit. Ang palagi nilang gustong gawin ay ang maglakad-lakad sa isang parke at umupo sa Bench. Ang pwesto nilang palaging inuupuan ay pareho lang pala, hindi lang nila yun nalalaman dahil palagi lang silang nagsasalisi ng punta. Hanggang sa isang araw, pinagtagpo sila ng tadhana. Pareho silang umupo sa paborito nilang Bench at si Karl ay umupo sa dulong bahagi sa kaliwa at sa kanan naman si Ayashi. Di nagtagal nagkausap silang dalawa at matapos ang isang buwan na pagkikita doon ay nagkaligawan na at naging mag nobyo.

Araw-araw sila doon nagkikita. Ngunit madami rin silang di alam sa isa't-isa. Matalino silang pareho at nag-aaral sa magkaibang eskwelahan. Pero sa di inaasahang dahilan, hindi pa sila nakuntento sa kung ano ang meron sila ngayon. Nagkasundo sila na kung sila nga talaga ang para sa isa't-isa ay maghihiwalay sila ngayon at kung magkita man muli sila matapos ang 8 taon ay Destiny nga talaga sila. Ginawa nga nila yon. Si Ayashi ay pumunta sa Japan para doon magtapos ng kolehiyo at si Karl naman ay nagpatuloy sa pag-aaral sa prestihiyosong paaralan sa Maynila.

Lumabas na lang ang balita na nabagsak ang eroplanong sinakyan ng dalaga papunta Japan, inakala ni Karl ay patay na ito kaya naman habang nagmamaneho ito pauwi sa bahay ay binunggo niya ang kanyang sasakyan sa kung saan-saan. Nawalan silang pareho ng ala-ala, oo pareho silang nakaligtas at nagka-amnesia. Isang taon silang nagbawi ng ala-ala nila, matalino naman sila eh, pero hindi kasali doon ang ala-ala ng parke o sa kanilang dalawa ng lalaki. Nagpatuloy sila sa paga-aral at nakapagtapos. Matapos ang 8 taon, umuwi muli si Ayashi sa Pilipinas at bumisita sa parke na dati na pala niyang pinuntahan ganun din ang ginawa ni Karl'

Ano kaya sa tingin niyo ang sunod na mangyayari?

Happy ending?

----
(Sa babae naman muna tayo)

Matapos makabunggo ng babae ang lalaki na kumukuha ng litrato ay nakakita siya ng isang Bench. Uupo na sana siya dito ngunit napansin niyang may nakita siyang lagas na dahon galing sa puno na nasa ibabaw nito.

'Madumi na pala..matanggal nga muna' isip ng babae.

Habang tinatanggal niya ang lagas na dahon sa ibabaw. Napansin niya ang nakaukit sa bandang gitna sa taas ng Bench.

AK..

Ayashi at Karl...

Dito sila palaging nagkikita ng dati niyang nobyo 8 taon na ang nakalilipas.

Kasing bilis ng kidlat ang pagbalik ng memorya niya tungkol sa lalaki na nakita niya kanina..

Bumalik muli siya sa pinang-bungguan nila ngunit wala na doon ang lalaki. May tinitignan na siyang iba..

'Wala na ba ako sa buhay niya? Nakalimutan niya na ko?' Isip ng babae.

Hindi niya alam na nag-iisip lang pala ang lalaki tungkol sa kanya noong oras na iyon. Nasaktuhan lang na may babae sa direksyon na tinitignan niya

'Sabagay mas maganda siya sakin' sabi ng dalaga.

Luhaan siyang umalis at umuwi sa kanila. Hindi siya lumabas ng bahay ng isang linggo at tsaka niya napagdesisyunang umuwi na muli sa Japan para magbagong-buhay.

Makatapos ang 6 na taon..

Nakapag-asawa ang babae at mayroon silang dalawang anak.

Ang lalaki naman ay mayroon naring asawa at isang anak. Ngunit patuloy parin siya sa paghihintay sa Bench.

---

'Malungkot ba ang ending? Ayan lang naman ang natutunan ko sa pagsubok sa tadhana. Mahirap pala no? Imbis na kami ang sumubok ni Ayashi eh kami pa yung sinubukan. Paano ko nabalitaan na nagka-asawa na siya? Sikat sila sa Japan, nakikita ko sila sa Tv. Pero umaasa parin ako na hanggang ngayon ay bumalik ulit siya sa Bench na palagi naming tinatambayan at makapag-usap muli kahit bilang magkaibigan na lamang' -Karl.

**********************
Kamusta ang One Shot ko??? Bet niyo ba?

Malalim ba yung tagalog? HAHAHAH ako rin wag kayong mag-alala noseblood na rin ako jan!

Testing DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon