CHAPTER 2

10 0 0
                                    

 Nakaupo ako ngayon kasama sila kris, brent at ang aking girl bestfriend na si steph. 

 "Jane" tawag sakin ni brent.

"Alam mo ba.

"Hindi" putol ko sa sinasabi ni brent. Pero di ala mag papaawat to eh.

"Alam mo ba na.

"Hindi nga sabi eh" inis na sabi ko. Tss nakakainis siya kung i bully niya ko noon wagas. 

"Na namiss kita ng sobra. As in." Nakangiti niyang sabi sakin.

"Well ako HINDI" ano naman kaya ang ppumasok sa isip ng gagong to ?!

 "Come on. Kalimutan na natin ung dati. Tsaka nag bago na ko jane, di nako pala tukso haha" sabi niya ng nakatingin sa mata ko. Sa totoo lang tama ung sinabi ni kris na soooobrang crush ko siya nung bata pa kami. Kaso lang palagi niya akong inaasar. Pero hindi ko na siya crush ngayon no. 

 "Sige na nga" sabi ko ng nakangiti. 

"Friends?" Alok niya saakin sabay abot ng kanyang kamay sakin

"Friends" ngiting sagot ko sakanya.

 "Yieeeeee" sabay na sabi nila kris at steph.

"Bati na silaaaaa" sabi ni kris sabay inakbayan niya pa kaming dalawa. 

"Ano ba kris ang bigat ng braso mo!" Sabi ko sabay tanggal ng braso niya haha.

"Oo nga krissy hahaha bakla ka talaga eh no pansin ko na sayo yan bata pa lang tayo eh" Sabay na tumawa kaming tatlo ng malakas.

"Cheers" sabi ni steph sabay angat ng kanyang drink.

"CHEERS" sagot namang naming tatlo sakanya. 

-----Paglabas namin ng elite-----

"Hoy kris! Ihatid mo nga ako. may pupuntahan pa daw si steph kaya di ako makakasabay sakanya." Sabi ko sakanya. Kasi naman si steph kailangan puntahan ung boyfriend niya na hindi niya pa napapakilala sakin. Ang daya niya talaga. 

 "Bye jane. Kita nalang tayo bukas sa school papakilala ko na din sayo si boyfie ko haha "Sabi sakin ni steph sabay alis na gamit ang kanyang audi R8. Kumaway nalang ako sakanya habang paalis siya.

 "Hoy kris hatid mo ko ahhhh."

"Sige na nga".malungkot niyang sabi.

"Gusto mo ako nalang mag hatid sayo. Sa dati parin naman kayo nakatira diba" sabat naman ni brent.

 "Wag na nakakahiya naman sayo eh. Tsaka pumayag naman na si kris" 

 "Hindi sige brent ikaw nalang maghatid kay jane may dadaanan padin kasi ako" sabat naman ni kris. Urghhh ayaw ko nga mag pahatid kay brent eh awkward parin kaya para sakin. 

 "So okay na ah. Ako na mag hahatid sayo jane" sabay ngiti ni brent. Kainis naman si kris. Ayaw ko nga kasi ehhh.Tinignan ko si kris na paalis na.

 Kaming dalawa nalang natira dito huhuuuu ang awkward. 

 "Lets go" sabi ni brent at pinag buksan ako ng pinto ng audi niya.

 Ngumiti nalang ako sakanya.

F**k. F**k. F**k.

ANG AWKWARD!!! HELP!! 


OLD or NEW ??Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon