Chapter 1

26 1 0
                                    

Naalimpungatan ako sa pag tunog ng telepono sa labas ng kwarto. Ayoko pang bumangon ngunit mukhang wala ding balak tumigil ang kung sino man ang tumatawag sa telepono.

"Who could be calling at this time,?" Tanong ko sa sarili, habang pupungas pungas na bumangon at sinulyapan ang alarm clock sa night table.

It's only 2 in the morning.

Lumabas ako sa silid. Halos magsabay kami ng aking tiya sa paglabas.

"Nagising ka parin pala," Bungad saakin ng aking matandang tiyahin. " Sino kaya ang tumatawag at parang hindi makapaghintay ng bukas,sagutin mo muna yan Natalie,"Dugtong nito.

Hinigpitan ko muna ang tali ng aking robe at dinampot ang telepono.

"Hello?" Sagot ko na medyo namamaos.

"Overseas Call from the Philippines.Ma'am, this call is for Natalie Oliveira," Ang operator.

"Yes,this is Natalie speaking," Sagot ko agad sa kabilang linya. Medyo nawala ang antok ko. sinulyapan ko si Tiya Martha na nakasandal sa pintuan ng aking kwarto.

"Hello, Yes J-julia? Bakit?" Biglang lumapit ang aking Tiya saakin at hinawakan ang nanginginig kong mga kamay.

"Natalie! Ang Papa... Patay na si Papa Natalie..."

"H-hindi J-julia! H-hindi totoo ang sinasabi mo!..." Tuluyan nakong umiyak at tila nanlalambot ang aking mga tuhod. Buti nalang at hinawakan ako ni Tiya kundi ay bumagsak nako sa sahig.

"Si Papa, Tiya Martha.."

"Tatagan mo ang sarili mo Natalie," Si Tiya na hindi malaman kung paano ako iko-comfort.

"K-kailangan kong umuwi, Tiya! Gusto kong makita kahit ang... ang labi ni P-papa!" Muli akong napahagulgul at dinamayan naman ako ni Tiya.

Pauwi nako ng pilipinas. Sakay ng isang InternationAL Airline. Nasa tabi ako ng bintana ng erplano at nakatanaw sa mga ulap. Medyo namumugto pa ang aking mga mata kaya salamat sa Aviators na ibinigay ni Tiya. Di ko lubos maisip na darating sa puntong mawawala ang isa sa pinaka importanteng tao sa aking buhay. Si papa. kailan ko huling nakita si papa? mahigit anim na buwan nang dalawin niya ako. Gusto niyang umuwi sa pilipinas upang pamahalaan ang aming hacienda ngunit mas gusto kong mamalagi sa London at mag aral ng Fine arts.

"Mukhang maiiyak na naman ako..." sabi ko sa sarili. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata att hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. 

Mahigit isang oras din ang lumipas bago ako nagising. Pagmulat ko ay nakasandal  na pala ang aking ulo sa balikat ng akong katabi.

Nakalapag na pala ang eroplanong aming sinasakyan at bumababa na ang ilang mga pasahero, ngunit hindi manlang gumalaw ang aking katabi. Tiningala ko siya at nakatingin pala ito saakin.

"Oh sorry I didn't notice na naka tulog na ako,"

" It's okay.. I don't want to wake you up. It seems that you are too sleepy..." Agad itong tumayo at kinuha ang isang travelling bag at tsaka dali daling bumaba. Sumunod na din ako . kinuha ko ang aking baggage at sumakay ng taxi

Nang nakarating na ako sa aming Hacienda napansin kong madaming sasakyan ang naka parada sa may gate.

"Natalie!..."Umiiyak na salubong ng aking kapatid na si Julia, panganay na kapatid. 

Tatlo lang kaming magkakapatid at ako ang bunso. Nang isilang ako ay namatay daw ang aming ina dulot daw sa pagka infection ng matress. ang sabi ng doktor ay imposible na daw itong mag anak dahil subrang baba na ng matres ngunit ipinagpatuloy parin nila ang balak.

"J-julia! Si kuya James? Nasaan siya..? Tanong ko at di ko mapigilan ang umiyak din.

" May inaasikaso si Kuya. uuwi naman yung mamaya...Mabuti naman at naka uwi ka agad..."Saad nito nang humihingus at pinahid ang mga luha.

" Oo, hindi ako makapaniwala. ano bang nangyari sa kay papa?"

Ikinuwento niya lahat lahat mula hanggang dulo kung nao ang nangyari kay papa. Ang sabi ay ilang araw na itong sinusumpong ng migraine, sinasabihan nila na magpa check up ngunit pilit parin itong tumatanggi, hanggang isang araw ay inatake na naman,nagka nosebleed pa at biglang natumba. isinugod ng mga tauhan sa Ospital. Dead on arrival na ang sabi ay lala na daw ang kaniyang pneumonia.

Umiyak ng umiyak ang aking kapatid ngunit ako tila'y wala nang luhang ilalabas pa.

Nagdesisyon akong magpahinga muna saaking sild. Umakyat ako at pumasok sa silid na ibinigay saakin ng aking ama mula nung ako'y bata pa.Ganito parin ang ayus nito kung meron mang nabago iyong ay ang kulay lamang. 

agad agad akong nagtungo sa banyo at naligo. pagtapos ay nagbihis at humiga muna. dahan dahang hinila ng antok.

Ilang araw din ang lumipas mula nng ilibing si papa. Napagdesisyonan kong mamalagi muna dito sa hacienda namin kasama ang aking mga kapatid.

Isang araw ay nagising ako bigla dahil sa isang malakas na katok.Agad akong tumayo at binuksan ang pinto.

" Manang..?" Tukoy ko sa mayordoma namin na si Mang Lourdes. "Bakit ho...?

" Pinapasabi ng kapatid mo na maghanda ka na at darating na ang attorney ngayun.." Pag sabi'y ay umalis agad.

Bumalik ako sa loob at naligo muna.Pagtapos ay nagbihis ako ng isang black dress na nabili ko pa mula sa London na kahit kailan ay hindi ko pa nasusuot.

Bumaba ako at nakita kung may kausap si Julia, isang lalaking nakatalikod. Hindi ko lubos makita ang mukha.

Franco's  P.O.V

Nandito ako ngayon sa Hacienda ng mga Oliveira. Isang mabining hangin ang yumapos saaking balikat. Pag pasok ko palang sa kanilang bulwagan ay napansin kong mga muwebles at mga marmol ang disenyo na kung tila nasa labas ka ay di mo mawari na ganito pala ang nasa loob. Nakapaloob dito ang isang Old piano na may mga picture frame na naka display.

"Natalie during her 1st horse riding"

Sabi sa litratong nakalagay at nakapaloob ang isang dalagita na   pag tantya ko ay nasa syete anyos pa ang gulang na nakasay sa isang kabayo.

"This must be Natalie" sa loob loob ko. Nililipad ng hangin ang kaniyang mahahaba at kulot na buhok. Maiitim at Makapal na pilikmata na bumagay sa kaniyang matang mala diyamante kung kumislap. Maputi at makinis na mga kutis. Matangos ang ilong at katamtamang nipis ng mga labi.
Ani moy isang anghel na bumaba gaking langit ang tingin ko sa dalagang ito.

Ilang sandali ang lumipas at lumabas si Julia, pangalawang anak ni Philip. Nakangiti ito.
Mabuting Ama si Philip palagi niyang kinukwento saakin nung ako'y nag aaral pa na mabuti niyang pinalaki ang kaniyang mga anak. Ang akala ko nga nung una ay dalawa lang ang kaniyang mga anak ngunit makalipas ang mga panahon ay nalaman kong may anak pala siya na nasa london at nag aaral. Palagi kong nakakasama si Julia dito sa Hacienda nung minsa'y nag bakasyon ako dito upang pag aralan kung paano itataguyod ang kanilang negosyo. Napag usapan kasi namin ni Philip na kung dumating yung araw ay ako ang kaniyang ilalagay bilang tagapamahala sa kaniyang hacienda.

"Franco! Mabuti at dumating ka. Nagagalak akong makita kang muli..." Salubong ni julia sa akin at biglang yumakap saakin.

"You're always welcome Julia. Isa kayo sa importanreng tao sa buhay ko kaya there's no way I will ignore a friend..."

" Maraming salamat sa'yo at pinaunlakan mo ang kahilingan ng aking ama nung nabubuhay pa siya Franco..." Sabi ni Julia.

" Walang problema iyon sa akin Julia, Malaki ang utang na loob ko sa iyong ama, kung di dahil sa kanya ay wala ako sa aking katayuan ngayon..."

Tumawa ito at biglang bumaling sa aking likuran.

" Wow Natalie.. I like your dress. looks good on you.." sabi niya kaya hinarap ko ang taong nasa aking likuran.

"Natalie...?" Bigla akong humarap at nakita ko ang isang dalagang naka sout ng black dress below the knee. Bagay na bagay sa kaniyang maputing kutis. Kung maganda ito sa larawan nung siya'y bata pa, masasabi mong mas gumanda pa ito nung ito'y naging dalaga na. 


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. RuthlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon