Kabanata 18

125K 2.4K 167
                                    


"Gagabihin ako ng uwi ngayon."

Agad akong nakaramdam ng lungkot. Pagkatapos niya kasing kumain ay agad siyang nagpaalam sa akin. Naka-office attire na siya, Marami talaga siyang ginagawang trabaho.

Kagabi ay hindi ako halos nakatulog ng maayos. Hindi kasi mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ni Verna na kasama ni Blake si Arianne pati na ang pamilya nito. Itinanong ko nga rin kay Blake kung sino ang kasama niya sa France pero hindi naman siya sumasagot sa akin. Lagi niyang iniiwasan ang topic na iyon.

Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may maramdaman akong dumikit sa labi ko, "Sabi ko... Gagabihin ako ng uwi ngayon." Aniya matapos niya akong halikan sa labi.

Hindi ako nakasagot, Narinig ko rin ang mga paghinga niya ng malalaim. "Hindi ba, nagpaliwanag na ako sa 'yo kagabi na wala naman akong ibang ginawa sa France kung hindi ang magtrabaho? 'Yung tungkol naman sa hindi ko pagtawag sa 'yo, nawala 'yung cellphone ko sa hotel." Mahinahon na sabi niya.

Tumango ako at pilit na ngumiti, "W—Wala namang problema sa akin."

"Eh hindi mo kasi ako pinapansin, eh. Kagabi pa."

Hindi na ako nakasagot pa sa sinabi niya. Ang hirap din kasing paniwalaan kung totoo ba ang sinasabi niya sa akin. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan lalo na't may nakapagsabi sa akin na kasama nga ng Asawa ko si Arianne.

Sa kakaisip ko ay hindi ko na namalayang yakap-yakap na ako ni Blake. Nakasiksik sa dibdib ko ang mukha niya, "Hindi mo pa rin ba ako papansinin?"

Kung siguro ay hindi ako nag-iisip ng kung anu-ano ay matutuwa pa ako, pero iba kasi ngayon. Hindi ko man lang magawang ngumiti. Hindi kasi mawala sa isip ko ang mga nabalitaan ko.

Nanlaki ang mata ko nang muli ko na namang maramdaman ang labi niya sa labi ko. "Hindi mo pa rin ako papansinin?" Ngumingising tanong niya sa akin.

Napahinga na lamang ako ng malalim at akmang lalayo na nang bigla na naman niya akong halikan, "Hindi ako titigil kakahalik sa 'yo, kung hindi mo pa rin ako papansinin." Maang na sabi niya sa akin sabay yakap na naman ng mahigpit.

Aaminin ko— Nakakamiss rin naman ang mga pangyayaring ito. Hindi ko nga inaakala na magiging ganito ka-sweet si Blake pag-uwi niya galing France. Wala naman sa isip ko iyon, sanay na kasi ako sa ugali ni Blake na masungit. Hindi tulad ng ganito na sobrang sweet. Kagabi pa kasi siya ganito.

"Okay na, Papansinin na kita." Napangiti na ako.

Mas lalong sumilay ang mapuputing ngipin ni Blake, "Sabi na nga ba, hindi mo ako matitiis, eh." Natatawang sabi niya.

Napalabi na ako. "Male-late ka na sa trabaho mo. Malapit na mag-eight." Sabi ko sa kanya.

Tumango naman siya pero nananatiling tutok ang kanyang mata sa akin, "Four weeks akong malayo sa 'yo, Cassie. Ilang linggo ka na ring miss na miss ng baby ko."

Namilog ang mata ko nang maramdaman ko na mas idinikit pa niya ang sarili niya sa akin. "Ang manyak mo!"

Tumawa naman siya, "Gawa na tayo ng baby?"

Grow Old With A Womanizer (Published Under RISINGSTAR) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon