~•~
Gabi. Gabi na ng ako'y magising mula sa aking kwarto. Hindi malinaw kung bakit ako nakarating dito. Ang huli ko lang naaalala ay nasa isa akong maliit na silid na puno ng kandila na malapit ng mamatay. May isang maliit na bintana na nakalagay sa bubong at dito nagmumula ang sinag ng araw na tumatanglaw sa buong kwarto.
-Iginala ko ang aking paningin upang hanapin ang pinto na maaring makapagturo sakin palabas ngunit nakapagtatakang walang daan palabas. Walang ano ano'y may nahulog na kuting mula sa bubong. Isa itong maliit na pusa na puno ng dugo ngunit malakas na naglalakad patungo sa akin. Habang papalapit ang pusa ay gumagawa ito ng kakaibang tunog na mahina ngunit masakit sa tainga. Sinubukan kong gumalaw pero tila may malakas na pwersang pumipigil sakin.
Biglang tumaas ang gilid ng labi ng pusa na tila ngumingiti sa akin. At sa isang iglap lang ay natumba ako sa sahig. Sa pagkakataong ito, ay nakatayo na ako ng walang kahirap hirap. Umatras ako ng hindi pinuputol ang pagkikipagtinginan sa pusa at sa hindi sinasadyang pangyayari ay nakaapak ako ng kandila. Muli ay natumba ako sa sahig. Nakita ko kung paano natupok ng apoy ang isa kong paa. Maliit lang ang apoy sa kandila kaya nakapagtataka na natupok nito ang paa ko.
Lumapit ang pusa at nawala ang apoy kasabay ng pagsakit ng tiyan ko at pagdaloy ng dugo dito.Ang anak ko. Ang munting bata sa tiyan ko.
Parang binibiyak ang tiyan ko at hindi ko mapigilan ang humiyaw dahil sa sakit. Tulo ang luha habang yakap yakap ko ang aking sarili at ang kabilugan ng aking tiyan. Tinginan ko mula ang pusa ngunit wala na ito. Kundi isang nakakakilabot na anyo ng tao ang tumambad sa akin. Nakangisi at puno ng dugo ang bibig.
BINABASA MO ANG
Last Eclipse
FantasyKabilugan ng buwan, lalabas ang aswang. uno.duo.tre.quatour.quinque.sex.