sa bawat gabing dumadating,
luha ko'y nag uunahang lumabas sa akin.
mga luha na sumisimbolo sa sakit na aking nararamdaman
mga sakit na pilit kinikimkim para di mahusgahan
mga tanong sa aking isipan
kung anong mali sa aking katauhan
kung anong mali sa aking pag uugali
para ako'y iwan at masaktan ng lubusan
sa bawat gabing lumuluha ako,
pilit kong tinatanong ang sarili ko
anong nagawa kong mali para masaktan ng ganito
ang pag luhang ito'y tila naging sumpa
dahil kahit anong pigil ko, hindi pa din ito nawawala
hinihiling ko na sana sa susunod na gabi na dadating sa akin
wala ng luha na pupunasan kundi ngiti na tatatak nalang sa aking puso't isipan----------------
ang lame psh