Puno ng takot, katanungan, pagsisisi at pagaalala, iyan ako ngayon.Nandito ako sa lugar kung saan lahat ng tao'y nagaalala at abala.
"Tita, wag po kayong mag-alala.Sigurado po akong hindi malala ang kalagayan ni Nero."
Pagaalo ko kay Tita.Hindi naman maiiwasan ang pagaalala ni Tita kasi Nanay siya at anak niya ang pinaguusapan.
Madadaming naglalakad na tao.Mga ang minuto na ang lumipas mula ng dumating kami dito sa hospital.Madaming taong abala at parang puno ng lungkot, mga yapak ng mga paa ang tunog na naghahari.Napatingin ako sa isang dalaga na iyak ng iyak at winiwika ang salitang "Wag mo akong iwan, ma!" wari'y nasa gitna ng kamatayan at buhay ang kaniyang ibang duguan.Agad namang nagsilapitan Ang mga nurse at doctor.Para sa'kin,Ang lugar na 'to ang pinakanakakatakot dahil dito mo malalaman ang isa sa mga nakakalungkot na katotohanan, ang magkasakit.Kasalukuyan naming hinihintay ang doctor na nagaasikaso kay Nero,kani-kanina lag ng sugod siya dito sa hospital,at katakot-takot na ideya ang nasa isip ko.Ilang minuto pa ang dumaan at lumabas na rin ang isang taong na medyo matangkad, maputi at nakasuot ng kasuotan ng doctor...sa wakas!
Dali-daling tumayo at agad na sinalubong ni Tita ang doctor.
"Doc, ano po ang lagay ng anak ko?Kamusta siya?Anong sakit niya?"sunod-sunod na katanungan ni Tita habang pinupunasan ang luha niya."Ma'am, meron pong Creutzfeldt-jakob disease ang anak niyo."parang puno ng lungkot ang tinig habang sinasabi iyon ng doctor.
"Wait nga lang po, doc!Anong klaseng sakit yan?Saka meron ba niyan?Parang ngayon ko pa lang yan narinig.Walang sakit na ganyan,doc!"Ehh pinagloloko yata kami ng doctor na 'to ehh,sa tagal kong nag-aaral, ni hindi ko pa 'yan narinig!"Ineng, Doctor ako at alam ko ang sinasabi ko.Creutzfeldt-jakob is a rare disease and incurable.At sa milyong tao, 1 lang ang nagkakasakit na ganyan."Wow naman!Ang malas naman ni Nero, ba't siya pa?Pwede namang iba na lang 'e." May gagawin po tayong treatment upang mabawasan ang sakit na nararamdaman ng pasyente,Yun na lang po ang nating bagay na magagawa na'tin."
"P-pero doc, tatagal pa naman yung buhay ng anak ko h-hindi ba?" nakakaawa si Tita, parang kahit anong oras guguho yung mundo niya.Iyak lang siya ng iyak.
"Ma'am, swerte na po ang anak niyo kung mabuhay siya ng isang taon."isang taon?Ibig sabihin ni hindi man lang makakatapos ng pag-aaral si Nero?Hindi niya man lang mararanasang makahawak ng diploma?
"Sabihin niyo nga doc kung swerte pa ba siya sa ganoon?!Isang taon?Langya naman!'Ni hindi niya nga mararanasang palakpakan at tumungtong sa stage ng graduation!Hindi niya nga matutupad niya pangarap niya!Tapos swerte?!"ba't ba may mga taong ganyan?!
"I'm sorry.Excuse me."Huling salita na binitiwan ng doctor at dali-daling lumakad ang Doctor paalis.Ganoon na lang 'yon?
Nakita ko si Tita na nakaupo at walang tigil sa pag-iyak.
Itong araw na 'to ay ituturing kong malas sa buong buhay ko.
-----
PS(men,charot!)-Creutzfeldt-jakob disease ang napili ko kasi masyadong common sa story ang leukemia:)