"1,2,3?______....."
"Hahahahaha! Huli ka!!!!!!"
"Asumi!"
"Asumi!!! Tapos na ang taguan! Nasan kana???"
"Hahahahahaha!"
"Saan kaba nagtago?"
At may biglang sumulpot na halimaw sa harapan niya....
Aaaaaaahhhh!!!!!!!!
Nagigising siya sa mabangungot niyang panaginip...
Mina's POV:
Ito ang paulit-ulit kung napapanaginipan.
Pilit yatang ibalik ng nakaraan ko ang mga ala-alang di ko tanggap noon at maging sa ngayon.
Ako nga pala si Mina Kimura, 15 years of age...
Nakatira sa Namsangol Hanok Village ng Seoul, South Korea.
At nag-aaral ako ngayon sa Dongguk University ng Seoul.May kakambal din pala ako na nagngangalang Ara Kimura.
Malaki ang pinagkakaiba saaming dalawa ni Ara.
Siya kasi yong taong palaban at walang kinakatakutan. At ako naman? Napaka opposite ko talaga sakanya.Nakatira siya currently sa Japan.
Sa Eishoji Temple in Tokyo, Japan.Doon din ako galing dati. Kaso lang inilayo ako ng mga mother ko sakanya nang malaman nilang wala pala akong supernatural powers.
Dati ay sabay niya kaming inabandona roon sa bahay amponan ng Japan dahil doon daw kami nababagay dahil isa raw kaming masamang nilalang.
Halos kaming magkakaibigan na nasa bahay amponan ay may mga kakaibang kakayahan except nga lang sakin hehehe.
Minsa inimbita kami ng isang Master ng Eishoji Temple na magtraining ng karate at kung fu.
Kami lang anim na magkakaibigan.Doon sa temple wala kang mararanasang pagmamahal ng isang magulang, tanging si Master Shitzu Ito
lamang ang nagpaparamdam saamin ng pagmamahal. Siya ang aming master ng aming martial arts noon...Tinuturuan niya kami ng Kung Fu at karate...Kaso nauna na akong umalis kaya di ako nahasa ng husto roon.
Tanging si Ara lamang ang nakapagpatuloy roon ng matagalan at pati narin ang mga kaibigan ko na sina Asumi Tanaka at Akira Akiyama.
Si Ara ang pinaka magaling sa lahat ng mga moves ng Kung Fu at karate roon, dahil syempre nahasa siya mula pagkabata hanggang nagdadalaga. Kaya mas favor siya ni
,Master Shitzu Ito.Kumpara sakin, hanggang 9 years old lang ako roon. Nagsimula kaming mag training sa temple ng Eishoji ay nasa edad na akong 6 years old.
Kaya 3 years lang ako sa training pero sa loob din ng training ng temple ay kaduwagan lang din naman ang mga ginagawa ko. Kaya di talaga ako natututo sa loob ng 3 years.... Alagang-alaga lang ako ni master Shitzu Ito noon eh.😂
After 4 years sumunod din sa seoul ang dalawa naming kaibigan na sina Asumi at Akira.
Nag rent lamang sila ng sarili nilang dorm at supportado ito ni master shitzu Ito.Mula noong naghiwalay kami ni Ara at the age of 9 years old di na kami nakapag communicate pa, dahil pinagbabawalan ako ni mama. Pero miss na miss ko na si Ara.
Actually lima kaming magkakaibigan noon na magkasama sa pag aabandona ng mga magulang namin sa bahay ampuonan ng Japan. Babae kaming lahat kaso may trahedyang nangyayari kaya nawala yong dalawa.
At hindi ko alam kung bakit yong eksinang iyon ang pa lagi kong mapapanaginipan.
IN DONGGUK UNIVERSITY...