Chapter 2

51 8 0
                                    

Continuation of Party


🎶Kung minsan ay nananahimik lang
Madalas kung madalas ay nasa gilid lang
Pero pag nakarinig na ng bumabayo
'di nyo na mapipigilan, humanda kayo🎶


Nagpatuloy ang kanta at nagpatuloy din ang pagsasayaw ng dalawa.


Kapansin pansin na mas nangingibabaw ang pagsasayaw ni Jaxson kumpara kay James.

"You know I'm you're number 1 fan baby" ani ni Nathania at nag flying kiss muna ito sabay hulog ng isang libo sa bowl ni Jaxson.

Napangiti naman si Jaxson sabay kindat sa dalaga. Pinadaan nito ang sumbrero sa katawan bago ilagay sa ulo ni Nathania.

Dahil naghulog ito ay tinanggal nya ang suot nyang polo sabay bato sa grupo ng mga kababaihan. Pinagkaguluhan naman nila agad ito.

"Oh eto pa!" sigaw ng bakla sabay hulog ng pera para kay Jaxson.

Muli itong naghubad. Pinunit nito ang suot nitong puting sando. Naging hudyat ito upang mag tilian ang mga kababaihan.

"TAKE IT OFF! TAKE IT OFF!" sigawan ng mga tao na tumutukoy sa suot na pantalon ni Jaxson.

Nag hulog ang isang babae ng pera kaya naman basta basta na lamang hinila pataas ni Jaxson ang suot nitong pantalon.

"AHHHHHH!!!" muling humiyaw ang mga tao. Mas malakas ito kumpara kanina at pinangunguhan ito ng boses ni Nathania.

Nagpatuloy lamang sila sa paglalagay ng pera sa bowl ni Jaxson kung kaya naman ay tanging boxer na lang ang natirang suot nito.

"Boom! Boom! Boom! Boom! BOOM!" sigaw ni Jaxson sabay turo kay James.

Napakamot na lamang si James sa ulo nya. Umatras si Jaxson kaya naman ay pumunta sa gitna si James. Gumiling giling ito ngunit hindi man lang natuwa ang mga nanonood.

"Boo!"

"Back off!"

Sigawan ng crowd. Napikon ito kaya naman tinanggal din nito ang suot na polo. Hindi pa din ito nagustuhan ng iba kaya pinunit nya ang kanyang sando. Lumandat sa kanila ang naka sulat sa kanyang katawan.

Nagbulungan ang mga tao. "Wait! Look guys oh" suway ni Nathania.

If I win... Sabay sabay na basa ng crowd. Tumalikod si James upang ipakita ang nakasulat sa likod nito.

May kiss kay... sabay sabay na basa ulit nila. Pilit tinatanggal ni James ang kanyang pants kagaya ng pag tanggal ni Jaxson ngunit tila ayaw makisama ng pantalon nito.

Wala syang nagawa kundi ang ibaba na lamang ang suot nitong pantalon. Pagkababa ay agad na naghiyawan ang crowd.

"WAHH OH MY GOD!!"

"IS THIS REAL!?"

"LIBRENG KISS KAY JAXSON!!"

Agad na naghulog ang mga babae sa bowl ni James. Ang kaninang kawala walang laman nito ay biglang napuno at hindi na magkasya ang mga pera.

"Sa wakas, natalo din kita dude! Libreng kiss kay Jaxson!!" sigaw ni James. Natilian naman ang mga kababaihan at isa isang umakyat sa stage.

Tila naguguluhan pa din sa nangyayari si Jaxson. Halos magkagulo naman sa paghahalik sa pisngi ng binata ang mga babae. At sino pa bang mangunguna, walang iba kundi si Nathania.

Hindi pa din makapag sink in kay Jaxson ang nangyari. What the fvck!? Ayan na lamang ang nasabi nya sa kanyang isip.

++Don't forget to Like, Comment, and Share++

~~
Kutchiiii

With You in My LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon