Paalam

76 11 5
                                    

Muli na namang papalapit,
Ang araw mo'y muling sasapit,
Kahit pigilan kong pilit,
Hindi maikubli ang pait.

Ang araw ng iyong pagkawala,
Sa aki'y isang masamang balita.
Kailangan ko'y lubos na pang-unawa,
Sa sinapit kong pagka-ulila.

Nang ipagkaloob ang iyong pakpak,
Hiling ko'y sumunod sa'yong yapak.
Madilim na da'ay aking tinahak,
Madama lang muli ang iyong hawak.

Ngunit isang maling desisyon,
Ang tadhana'y hindi nakaayon.
Ang bathala'y ito ang aksyon,
Hatid sak'iy riyalisasyon.

Masakit man ang nararamdaman.
Mula sa pighati't kalungkutan.
Ako'y babangon muli at lalaban,
Sa buhay na sa aki'y inilaan.

Ngunit gayunpaman,
Ako ay magsisimpan,
Hindi ka maaalis sa isipan,
At sa aking puso kailanman.

Ngunit ikaw parin ang inaasam.
Bagay na ako lang ang nakakaalam.
Mananatili ang lahat sa liham.
Maraming Salamat at Paalam.

-Nyx.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paalam.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon