You

3.6K 90 25
                                    

Another day. Another life. Iyon agad ang bumungad sa isip ko nang nagmulat ako ng mga mata at nawalay sa aking panaginip na siyang tanging bumubuhay sa akin. I wish I hadn't wake up. I wish I would not ever wake up. Ayokong magising. Ayokong dumaan na naman ang isang araw na wala na akong ibang nararamdaman kundi sakit at pangungulila. How I wish I could drift to sleep forever and would never wake up. Pero buhay ako, eh. Wala akong magawa but to endure another difficult and painful day. Kailangan. Para sa kanya. Kailangan ko itong gawin.

Napatingin ako sa calendar na nakasabit sa dingding. It's the 26th of March. Biglang nanikip ang aking dibdib. Tears started rolling down my face. Eto na naman ako. Why can't I just move on already? She left me. At hinding-hindi na siya babalik. Sumama na siya sa ibang lalaki. At kahit anong pilit kong gawin, hindi ko na siya mababawi muli. But how can I forget? Today's her day... her special day.

I decided to visit her. Kahit masakit, gusto ko pa rin siyang bisitahin. Hindi muna ako papasok sa trabaho. Tutal naman, alam na ni Mama na hindi ako pumapasok kapag araw niya. Alam na rin ng secretary ko sa opisina. In fact, the whole office knows that. Naging tradition na yata iyon. They would understand. They try to understand. Hindi ako martyr. Hindi rin ako masochist. Pero pagdating sa kanya, I forget who I am. Dahil siya lang ang inaalala ko.

As I drove to her place, hindi ko maiwasan ang kabahan. Not because dadalawin ko siya. It's because I have to be a masochistic martyr again. And I know, isang baldeng luha na naman ang luluhain ko. Pero okay lang iyon. Para sa kanya naman, eh. Ilang sakripisyo na ba ang nagawa ko para sa kanya? Marami-rami na rin. Ilang luha na ba ang naiyak ko dahil sa kanya? Hindi ko na rin mabilang. Basta't ang alam ko lang ay masaya siya. Kapag masaya siya, okay na ako. Her happiness is all that matters to me. My happiness would have to wait.

Dumaan muna ako sa isang flower shop upang bumili ng isang bouquet of fresh white roses. Iyon kasi ang paborito niya. Bakit? Sabi niya kasi, it symbolizes purity. Just like her. So pure. So great. So different. Kaya nga ako nababaliw sa kanya. She taught me many things. She influenced a big part of me. And she have loved me purely, greatly, differently. Sa dami-rami ng nagawa kong kasalanan sa mundo, biniyayaan pa rin ako ng Panginoon ng isang katulad niya. I would be forever grateful for that. Pero bakit ko pa dapat pagdaanan ito? Bakit kailangang ako pa ang magdusa? Bakit siya?

As I reached her special place, hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon. Nilapitan ko siya kaagad. As I stood before her, unti-unti akong binalot ng malamig na hangin at nagsisimula na ring mamuo ang mga luhang kanina ko pa kinatatakutan.

"Hi Kath," matamlay na sabi ko as I sat down and touched her tombstone. Kinuha ko ang bouquet ng tulips na nilagay ko kahapon sa vase niya at ipinalit ang binili kong roses. Inayos ko iyon sa puntod niya and stared at it for a long time. Then, I heaved a heavy sigh.

"Happy birthday, boss! Ang tanda-tando mo na. Twenty-five ka na ngayon. Ako naman, magtu-twenty six na rin next month." Naramdaman ko ang katahimikang bumabalot sa aking paligid. It was then that I imagined her with that beautiful smile of hers that I would always love.

"Ang daya mo, Kath. Taun-taon, sinasamahan kitang mag-celebrate ng birthday mo. Pero kapag birthday ko, hindi mo ako sinasamahan. Ako pa rin ang pumupunta sa iyo.

Pero okay na din iyon. At least, magkasama tayo, right?" Pilit kong ngiti habang hinimas-himas ang puntod ni Kath.

"Ilang taon na ba ang lumipas, Kath? Four years? Ang tagal na pala, 'no? And yet, here I am, parang baliw na nagsasalita sa puntod mo. Hindi ko din alam kung bakit hanggang ngayon, sa iyo pa rin ako pumupunta. Wala din naman akong mahanap na ibang babaeng katulad mo, eh. Iyong kasimbait, kasintalino, at siyempre, kasingganda. Wala na, boss. Ikaw lang.

Ang daya mo rin, eh. Sabi mo, walang iwanan. Na kahit umabot pa ang forever and ever ay hindi tayo magkakahiwalay? Pero nasaan ka na ngayon? Wala. Sumama ka na sa ibang lalaki. Sumama ka na kay Jesus," natatawang sabi ko. Pati si Jesus, pinagseselosan ko pa.

Hindi ko namalayang habang natatawa ako ay pumapatak na rin pala ang mga luha sa mga mata ko.

"Kath naman, eh. Ba't mo ako iniwan? Miss na miss na kita." Hindi na niya napigilan ang mapahagulhol.

"Pinilit ko ang sariling kalimutan ka at ipagpatuloy ang ang buhay na wala ka, just as I promised to you. Pero ang hirap pala, Kath. Sobrang hirap. Kasi araw-araw akong nasasaktan. Araw-araw akong nangungulila sa piling mo. Araw-araw kitang hinahanap.

Kung pwede lang makiusap sa Diyos na sana, ibalik ka nalang Niya sa akin. Huwag nalang ikaw. Iba nalang ang kunin Niya. Pero hindi, eh. Kinuha ka pa rin Niya sa akin.

Minsan nga, iniisip kong sana ako nalang. Sana ako nalang ang nagka-leukemia at hindi ikaw. Para sa ganoon, hindi ka na nawala. Hindi ko na rin maranasan ang ganitong paghihirap. Pero hindi pa rin. Kasi kapag ako ang nawala, alam kong masasaktan ka rin. Ayokong maghirap ka katulad ng paghihirap ko ngayon. Mas mabuti nang ako nalang ang makaranas ng ganito. Huwag na ikaw. Kasi hindi ko kayang isipin na ikaw ang nasasaktan. Dahil mahal na mahal na mahal kita, Kath. Sobra-sobra. Higit pa sa buhay ko."

Dumaan muna ang isang minuto bago ko napakalma ang sarili.

"Kath, I know I should move on. Dapat noon ko pa iyan ginawa. Pero talagang mahirap. Kasi hindi ko ma-imagine ang mabuhay sa isang mundo na wala ka. But I know, that this is for the best. For mine and yours. Alam kong hindi ka nagiging masaya diyan sa taas kapag nakikita mong nahihirapan ako dito sa ibaba."

Unti-unti kong hinubad ang gold ring na nasa pala-singsingan ko. Ipinatong ko iyon sa puntod niya.

"I'm letting you go, Kath. I'm setting you free. Ayokong nahihirapan ka rin diyan sa itaas ng dahil sa akin. Gusto kong maging masaya ka. Alam ko rin namang nandiyan ka lang palagi. Binabantayan ako. You'll always be forever and ever in my heart. Ikaw lang naman talaga, eh."

Humugot ako ng malalim na hininga. Hindi madali sa akin ang iwanan si Kath. Pero sa palagay ko, iyon ang nakakabuti sa aming sitwasyon. Ang lumigaya na ako. Pati na rin siya.

"Kath, mahal na mahal kita. Kahit na wala ka na dito sa piling ko, you'll always and forever be my beautiful wife."

Dahan-dahan akong tumayo. Lumakad na rin ako papalayo doon sa puntod ni Kath. Pero bago pa man ako nakasakay sa sasakyan ay may naaninag akong isang aparisyon sa may puntod ni Kath.

"Kath?"

She was waving at me and smiling at me with those beautiful smile of hers.

Napangiti na rin ako and waved back at her habang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata.

"I love you, Kath. So much."

And as I was on my way out of the cemetery, alam kong naririnig ko ang pintig ng puso ni Kath saying that she loves me too. She loves me more than I love her. And until that day that I would join her up in there, she will always love me forever and ever.

YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon