That familiar sexy back view... What is she doing here... and alone? sa isip ni Ignacio. Nahagip ng kanyang kulay-champagne na mga mata ang babaeng naka-corporate outfit. Napatigil siya sa paglalakad at sinundan ito ng tingin. Her sexy ass swayed seductively as she walked like a model on a runway. She wore a pair of red pumps to go with her yellow pencil skirt, red belt and striped blouse with long sleeves. Her ripe curves seemed to scream for his touch.
Yep. That's Lowella all right, in her favorite yellow and red outfit.
Napasimangot siya, nagtataka kung bakit nandito sa mall niya ang dalaga. Pinauna niya ang sekretaryo. Papunta sila ng isang client meeting sa kanyang office na nasa katabing building. Napasulyap siya sa kanyang smartwatch. May isang oras pa siya, kaya 'di siya nagmamadali. Plano lang naman niyang may tingnang papeles habang hinihintay ang kliyenteng may planong mag-invest sa bagong proyekto ng kumpanya niya.
With an air of command, he strode to follow his twenty-eight-year-old ex-girlfriend. He was really curious why she was walking purposely toward a men's boutique with that bewitching but pissed face. He was oblivious of the women gawking at him as he passed by.
Nakapamulsahan siyang inoobserbahan ang ex na lumapit sa cashier. She flipped her long curly chestnut hair that reached to her back.
"Sino sa inyo ang tumawag sa kapatid kong isang dukha, mukhang abnormal at hindi makapag-afford ng bilihin dito, huh?" Hinampas nito ang counter.
Halos napalundag ang salesladies, pati na ang cashier. Nagbabaga ang mga mata nitong inisa-isang tingin ang tatlong babaeng naroon. Natigilan ang ilang customer na nandoon din, napamasid sa eksena. Hindi naman napansin ni Ignacio ang supervisor dito.
"Eh... ma'am... kasi..." umpisang pagpaliwanag ng isa sa mga salesladies.
"Wala kayong karapatang pagsabihan nang masama ang kahit na sinong pumapasok sa boutique na ito. Ano? Porke ba nakasuot lang ng public high school uniform ay dukha na at walang karapatang pumunta rito, ha? At dahil ba sa sinto-sinto ay hinusgahan n'yo na kaagad? Eh, kung bibilhin ko kaya lahat ng mga ito—" Ikinumpas pa nito ang naka-display at 'di sadyang makita ang binata. Lalong umasim ang mukha nito. "O kaya naman ang buong mall na 'to?" Inignora siya at bumaling muli sa mga empleyado. "Ha? Saan kayo pupulutin? Gusto n'yo bang mawalan ng trabaho nang dahil sa masama n'yong ugali?"
Napayuko ang mga salesladies at cashier samantalang ang mga customer ay isa-isang nagsialisan.
"Ay, grabe naman pala ang mga empleyado rito, ano? Judgmental? Huwag na nga tayong bumalik dito," ani isang babae sa kasamang lalaki. "Baka kung wala tayong bibilhin ay sasabihin ding dukha at hindi tayo maka-afford."
"Eh, masakit naman talaga 'pag totoo, mahal," marahang pakli ng kasama nitong lalaki. Kahit mahina at sa kabila ng K-pop background music ay narinig pa rin nila.
"Now, tell me who insulted my brother," anang dalagang nanggigigil, pilit pinipigilang huwag tumaas ulit ang tono. There was a hint of danger in her tone.
Sinenyasan ni Ignacio na lumabas ang mga empleyado. Dahil kilala siyang may-ari ng mall ay hindi na nagpatumpik-tumpik ang mga ito.
"Why did you let them go? I'm not done!" asik ni Lowella sa kanya. Nag-aapoy ang kulay-tsokolateng mata.
Isinara ni Ignacio ang salaming pinto 'tsaka iniharang doon ang isang rack na puno ng slacks. Napamasid ito sa ginawa niya.
"You were going to buy the mall. My mall," he cautioned.

BINABASA MO ANG
Pumps (One Shot for Nobelista)
RomanceErotic genre (writing prompt) Ignacio is taken aback why his sexy-as-hell ex-girlfriend, a mob boss' daughter, is in his mall wearing the red pumps he gifted her years ago! You can read "The Girl in the Box" and "Keep Coming Back for Me" for free on...