Nandito ako ngayon sa park at nakikipagdate kay sino nga ba ulet to? Tss bahala na nga... Kung bakit ko ginagawa to? kasi kelangan kong makamove-on sa kanya.
Sino siya?
Siya lang naman ang one and only crush ko na si Nathaniel Diaz. 21 years old. Isang gwapong nilalang na nabubuhay sa mundong ibabaw! Chos lang! Na nabubuhay sa mundo.
At ang tanging lalaking binasted ang kagandahan ko.
Ay oo nga pala. Nakalimutan ng lola niyo magpakilala. Ako nga pala si Hyacenth Lim. 20 years old.
Ang sakit kaya ... naaalala ko pa nga kung anong sabi niya noon sa 'kin *pout*
-----FLASHBACK-----
Highschool pa lang kami nililigawan ko na siya.
Ngayon ay sinusundan ko siya sa canteen. Nakiupo ako sa table nila ng barkada niya.
"Hi than!" bati ko sa kanya. Ngumiti ako ng pagkatamis-tamis.
"Ikaw na naman!? Tumigil ka na nga sa mga kalokohan mong 'to Centh. Di na nakakatuwa ah!" bulyaw niya sa 'kin.
"Than naman oh. Maniwala ka. Mahal talaga kita. Walang halong biro" sabi ko pa sa kanya.
Pero gaya nung mga unang araw eh tinatawanan niya lang ako tapos biglang aalis.
HAAAAY!
---------------------------.
Nung college na kami. Pinupuntahan ko siya sa kanila. Magkatapat lang naman kasi bahay namin kaya naman tanaw ko lang siya araw-araw sa kwarto ko.
Nagdoorbell na ako.
DING... DONG...
Siya lang ata sa bahay nila kasi siya yung lumabas eh.
"Hi, Good morning Than" bati ko sa kanya ng nakangiti ng malaki.
Whoah! Ang hot niya! Nakatopless ba namang lumabas ang lolo niyo. >_____< Kyaaaaaaaaah! Those Abs and Maskels. Ano kayang feeling pag nahawak dun? *blush*
"Oh, Ano na namang kelangan mo, Centh?" sabi niya sa 'kin. Yung boses niya. Lalaking-lalaki. Sarap sa tenga.
"A-ah ma-may dala akong Caldereta. Ako nagluto niyan para sa 'yo kasi alam kong paborito mo to" sheyt na malagkit nauutal pa ako. Hoooh kaya mo yan Yas.
Inabot ko ang dala ko sa kanya.
Siya nga lang pala ang tumatawag sa 'kin ng Centh kasi Yas ang tawag sa'kin ng mga kaibigan ko.
Tinignan lang niya ang dala ko. "No thanks. Pwede ba Centh tigilan mo na 'ko. Noon ko pa sinasabi sa 'yo. Hinding-hindi kita sasagutin kaya mas mabuti pang tumigil ka na." sabi niya sa 'kin. Pagkasabi niya nun. Biglang tumigil mundo ko. Di ko namalayang tumulo na pala luha ko. Ganun lang mapapala ko? sa 8 years na minahal ko siya?
Umiiyak akong tumakbo pauwing bahay.
--------And boom! Yun na ang end of flashback--------
For 8 years naging bulag ako sa pagkagusto ko sa kanya kaya di ko na namalayan na nasasayang ko na ang oras.
Nasabi ko pa nga sa sarili ko noon na.
Kung ayaw niya sa 'kin... Pwes! Ayaw ko rin sa kanya. Tss >_<
Di na ako dumudungaw sa bintana ng aking kwarto para tingnan siya gaya noon.
At ito na nga. Nakikipagdate ako ngayon sa lalaking nirereto sa 'kin ng aking mga kaibigan. For a change daw kasi palaging siya nalang ang binibigyan ko ng atensyon.
BINABASA MO ANG
She's Mine, Only Mine and Never Will Be Yours! (oneshot)
Teen FictionSinaktan niya 'ko. Kaya naman napagdesisyunan kong makipagdate sa iba pero 'langhiyang lalaki sinira ang date ko sabay sabing "She's mine, only mine and never will be yours!" WHAAAAAT?! -Hyacenth- A/N: basahin niyo nalang... ENJOY! ^_____^