"LOVE CYCLE"

20 2 0
                                    

-Hindi ba pwedeng pag may gusto ka, gusto ka na lang din?

kaso lang hindi naman ganun yun eh.

-Yung tipong close na kayo

Feeling safe and secure ka kapag andyan sya sa tabi mo

Tas biglang nagkaiangan!

Bigla ka tuloy mapapaisip 'bat kaya nagkaganun?'

-Meron namang andyan na nga kaso lang iniisip mo na deserving ba ko para sa tulad nya?.

-Merong point na GGSS ka.

Yung may tumingin lang sayo feeling mo may gusto na. Feeling mo dyosa ka.

-May mga 'times din naman na aasa and mag aasume ka'.

Yung tipong inakabayan ka lang may something na agad agad!

Tinext ka lang ng Goodmorning, buo na yung araw mo

Yung tipong nakagat mo lang yung dila mo tas pag may nakaalala sya agad?

Nag Hi! lang sayo mahal mo na agad?

Nag dikit lang yung mga balat nyo saglit meron ng spark

Meron namang nginitian ka, kinausap ka, tinabihan ka, nag thankyou lang, nagpasama feeling mo may gusto na agad sayo? (pero malay mo may something nga!)

-Dumarating din minsan yung 'desperado times'

Yung ikaw na yung gagawa ng way para lang mapansin ka nya or kung anik-anek para lang makausap or makatext sya.

Yung talagang mahilo hilo ka na pabalik balik ng kadadaan sa harap nya mapansin ka lang.

-Andyan din yung 'bitter days'

Yung hindi naman naging kayo pero kung maka react ka parang merong hugot eh!!!

Yung gagawin mo na lahat para lang makalimutan sya, lahat ng nag coconnect sa inyong dalawa

Unfriend sa facebook

Unfollow sa twitter

Delete sa contacts

Basta lahat ng makakapag ala ala sa kanya buburahin mo.

-Meron ding time na 'broken hearted ka'

Yung feeling na hindi naman naging kayo pero parang wasak na wasak yung puso mo.

Pano yung tao palang gusto mo meron na palang gustong iba.

-Kaya nga dapat wag tayong mag aasume pero alam ko namng hindi yun maiiwasan. Isipin mo na lang na kapag pinagpatuloy mo pa ikaw lang din yung kawawa.

-Minsan din maiisip m 'bat kaya wala pa kong lovelife?'

Hindi naman ako ganun kapangit, hindi rin naman ako ganun ka bobey?....Haayy

-Yung iniimagine mo agad kayo na

ang saya saya mo siguro

-Minsan naman maiinggit ka kasi yung mga kaibigan mo merong mga ka-ibigan tapos ikaw nga nga T_T

-Kaso hindi mo naman mapipilit yung taong gusto mo na gustohin ka rin nya except na lang kung gusto ka nga nya talaga. Pero pano nga kung wala talaga syang gusto sayo?

-Hindi talaga lahat ng gusto mo mapapasayo "just expect nothing and appreciate everything'

Kasi minsan yung inaakala mo na gusto ka nila yun lang pala yung way nilang makipag friends or ganun na talaga sila bago mo pa sila makilala.

-'Ang lovelife kasi parang cycle lang yan magkakagusto ka, mafafall ka ng husto, aasa, mag aasume, masasaktan then mag momove on tas babalik nanaman sa umpisa'.

-Pero sa dinami-dami naman ng mga pinag daanan mo

May darating at darating na isang taong iingatan at papahalagahan ka kahit ano at sino ka pa.

At syempre yung mamahalin ka ng higit pa sa buhay nila

*nakokornihan ka man sa mga sinulat ko, hindi mo pa rin maitatangging minsan mo rin yang naranasan, nagawa or baka nga gagawin mo pa lang.

:))))

*rosemarie*

"LOVE CYCLE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon