JAZREEL LEIGH'S POV
Huminga ako ng malalim bago tumayo sa kinauupuan ko. Hindi ako sanay na wala akong kausap o mag isa manlang. Kaya kinalma ko ang kanina ko pang nanginginig at nangangatog na kamay. Naglakad ako papunta sa harapan at humarap sa lahat.
"Hi everyone. My name is Jazreel Leigh Medina. 17 years of age. As you can see my strand is also 12-STEM. I will be with all of you this whole schoolyear. Please be good to me." Halos himatayin nako sa harapan sa sobrang kaba. Ni hindi ko manlang makitang intiresado silang lahat saakin rito. Ang iba ay nakatingin lang sakin na parang bored na bored. Sa sobrang kaba ko ay nagmamadali akong bumalik sa armchair.
Nakita ko namang nakatingin pa rin saakin ang Teacher namin na nag request na mag introduce kami ngayon. "What is your name again? Jazreel? Your name is pretty nice." Saad ng teacher.
"Uh.. thankyou miss." Sagot ko sabay ngiti.
"What school are you from when you are in grade eleven?" Sabi pa niya. Ramdam ko na naglingunan saakin ang lahat."Sa Arel Highschool po." Sagot ko. 'Yung ibang di interisado sa pinagsasabi ko, napatingin na rin. Yung ibang kanina pa nakikinig, napapangisi nalang sakin. Napatango lang ang teacher at nagpatuloy lang sa pag tawag ng mga students.
Nakadinig ako ng mga nag hahagikgikan sa bandang likuran ko. Kaya napalingon ako sa grupo ng mga babae na nakatingin saakin.
"Pre sa Arel High daw hahaha public normie hahaha" dinig kong sabi nung isang matangkad na matangos ilong na babae.
BINABASA MO ANG
The Girl With The Crimson Letter
Mystery / Thriller'dahan dahan kong binuksan ang kulay pulang sulat. Ito na ang panghuling sulat na ipinadala. Unti unti ko nang nakikita ang nakasulat. Ngunit imbis na clue para mahanap namin kung saan nakatago si Janella, para akong nagimbal nang mabasa ang nakasul...