Chapter 1

17 13 0
                                    


Chequtita POV
Year 2009
Day 28
Month January

Nagbabasa ako ngayon ng libro tungkol sa Biology, bakit? wala lang trip ko lang pang pa wala ng stress.

Depende sa tao kong ano ang ma i-rarason niya pero yung iba talaga para malipat ang attensyon mo sa iba.

Nasa kwarto ako ngayon nakahiga sa di kaliitan kong kama na kulay berde mostly dito sa kwarto ko ay kulay berde paborito ko kasi. Hindi sementado ang kwarto namin pero yung sala,kusina at banyo ay sementado at naka tiles. Masasabi kong may kaunting kaya kami.

Ang bintana naman ay jelousy lang sabayan pa ng kulay berdeng kurtina. Nilipat ko na ang pahina at binasa ng dahan-dahan para kahit papano may pumasok sa isip ko.

"Abba!!" tili ng kong sino mang boses sa labas ng aking kwarto na sa aking pagtansya ay si Ate Serin. Hindi ako kumibo at pumikit ng mariin saka ulit tinuonan ng pansin ang libro.

Nang bigla nalang bumukas ang pinto at pumasok si Ate Serin. Sabi ko kanina ' pumasok sa isip' hindi pumasok sa kwarto!

Hindi ko pinakita ang pagka inis sa mukha, Nilagay ko sa ilalim ng unan ang libro at tinaasan siya ng kilay.

Nameywang pa ito sa harapan ko,
"Wala ka bang balak kumilos dito sa bahay hah?!" sigaw nito at tinignan ako ng masama.

"Hmmm." tumango ako na para bang alam ko ang pinupunto niya.

"Hoy! tulongan mo si mama sa paglaba don may lakad ako ngayon may gagawin kaming project kaya wag ka ng tumangi, lage ka nalang nag momok-mok dito sa kwarto mo para kang baliw!" mahabang litanya niya habang naka cross ang dalawang braso.

'Sermon nanaman'

Tahimik kong inaayos ang higaan saka lumabas sa pinto habang siya nakabuntot at tudo dada.

' pakalma kalma lang ako pero naiinis na ako ha!'

Bumontong hininga nalang ako habang sa pagbaba ko sa hagdan naka buntot pa rin siya langya.

Bumungad sakin ang makalat na sala at maingay na T.V na wala namang taong nanonood.

"Oh! siya alis na ako si mama ha! tulongan mo maglinis ka na din ng may silbi ka kahit papano." tumango nalang ako ng di na ito mag sermon grabe walang tigil ang bunga-nga ng babaeng yun pag nabuksan tsh!

In-off ko muna ang T.V saka kumoha ng basahan at pinunasan ang salamin na may lipstick at puti-puti. Binalik ko din ang make-up kit ni ate baka mawala, ako pa sisihin hindi naman ako gumagamit ng ganyan.

Grabe makaporma kong aalis sa bahay di naman naglilinis MINSAN minsan lang naman. Pag katapos kong linisin ang sala naabutan ko si kuya Klein na naghuhugas ng mga pingan.

"Na sa ref yung ulam mo." hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Naglakad ako papunta sa ref at binuksan ito, isang hotdog.

Sinirado ko na ito at dumaan sa gilid niya papuntang garden dahil don palagi si mama naglalaba.

Dumaan ako sa sliding door at nag suot ng Tsinelas na kulay itim dahil yun yong akin. Kita ko si mama kinokoskos ang decolor na damit habang nasa gilid niya ang bareta at zonrox na pang decolor.

Di naman kalakihan ang garden namin sakto lang para makapasok ang isang dam-Truck ng basurahan.

Yung mga bulaklak naman buhay na buhay at yung mga sinampay agaw pansin balandra talaga sa kapit bahay. Lumapit ako kay mama at umupo sa maliit na upuang plastik.

Take me backTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon