"Sobrang sakit na ng ulo ko!!"
Final exam namin ngayon para sa first semester, at pangatlong subject pa lang itong in-exam ko, sobrang sakit na ka'gad ng ulo ko.
"Uy Venice! Sama ka bukas ha!" pang aaya sa'kin ni Caroline.
Si Caroline ang isa sa mga bestfriend ko, pito kasi kaming mag kakaibigan pero siya yung pinaka pinagkakatiwalaan ko.
"Oo nga Venice sumama kana bukas!"-Jiselle
"Sige na Venice sumama kana, matatapos naman na ngayon yung exams e, para naman makapag refresh 'yang utak mo" -lance
"Oo te puro ka aral mag enjoy ka naman kahit minsan lang" -faith
Si Jiselle, Lance, at Faith ang mga kaibigan pa namin ni Caroline. At gaya nga ng sabi ko pito kami, si John tska si Lou pumunta atang canteen. Matatalino rin sila tska mababait, kaya nga kinaibigan ko sila."Saan ba tayo pupunta? Baka kasi may gawin ako bukas e" tanong ko sa kanila.
"Sa intramuros lang naman, diba ang tagal na nating plano na pupunta tayo doon" pagpupumilit ni Jiselle
"Osige susubukan ko, baka kasi may gawin rin ako sa bahay bukas kaya baka hindi rin ako makasama" gusto ko talaga sumama sa kanila, kaso mas gusto ko na lang matulog bukas tska tulungan si mama sa mga gawaing bahay.
"Pleasee Venice sumama ka na" patuloy na pagpupumilit ni Jiselle. Niyakap n'ya 'ko para lambingin para um-oo ako. Siya talaga ang pinaka malambing sa aming pito, kaya kapag siya ang humihiling sa'min siguradong mapapa oo ka.
"Malay mo Venice doon mo na mahanap yung soulmate mo haha" pang eechos pa ni Caroline.
"Nako iyan pa pinantakot mo kay Venice, e alam mo namang dedma 'yan sa mga boys haha" biglang sulpot ni Lou sa likod namin at kasama naman niya si John at tumatawa ito ngayon dahil sa sinabi ni Lou.
"Nako nako' yan nanaman kayo aasarin n'yo nanaman ako, oo na sasama na 'ko baka kung ano pang sabihin n'yo" nakasimangot kong tugon. Palagi na lang kasi nila akong inaasar na kesyo tatanda na nga raw akong dalaga at hindi makakaranas na mahalin, na puro aral lang daw inaatupag ko. Hays ayaw ko pa kasi talagang mag boyfriend gusto ko munang maka graduate at maging stable ang buhay ko bago ako mag asawa.
At dahil sa pag oo ko naghiyawan silang anim "Yonnnn kala ko 'di ka pa sasama e" sabi ni john at sinampal n'ya ako ng mahina. Binigyan ko naman siya ng *Luh ang oa na, na look*
Pumasok na yung prof namin dahil ieexam na namin yung spec namin huhu. At dahil don nagsibalikan na kami sa kaniya-kaniya naming upuan.
"Whoaa natapos rin yung paghihirap natin!! " napakasayang sabi ni Caroline. Naglalakad kami ngayon papuntang sakayan. Napaka saya ko kasi natapos na yung final exam namin and thank god makakapag semestral break na kami huhu. Isang linggo lang naman yung sem break namin kaya wala naman akong magagawa doon.
"Alam mo ba Venice gustong-gusto ko na talaga ma-experience ulit yung mag mahal, I mean yung may nag aalala sa'yo, yung may mag go-good morning sa'yo paggising mo tapos mag go-goodnight bago ka matulog" malungkot na sabi ni Caroline sa'kin, magkasama kami ngayong dalawa nasa harapan naman namin sina Jiselle, Lance, Faith, John tska si Lou. Palagi talaga sa'kin sinasabi ni Caroline lahat ng problema, hinanakit tska rants n'ya, ganon din naman ako sa kaniya.
"Huh? Bakit nag aalala naman kami sa'yo ha, nag g-goodmorning rin kami sa'yo, at nag g-goodnight bago matulog" sabi ko sabay yakap sa kaniya.
"Hays Venice hindi mo 'ko naiintindihan e. Ay sabagay hindi mo pa naman nag e-experience mag mahal." nakasimangot na tugon sa'kin niya.
YOU ARE READING
The Love that Last
RomanceThis was actually my first story that I'll publish here in wattpad I hope you enjoy this story guys!