Pag-ibig ( short essay )

95.5K 193 81
                                    

Bawat isa sa atin ay naghahangad na makatagpo ng isang tao na magpupuno sa ating kakulangan. Isang taong magpaparamdam sa ating kung gaano tayo kahalaga at tutulong upang mahubog pa natin ang ating pagkatao. Taong magiging dahilan para lubusan natin maunawaan ang tunay na kahulugan ng salitang “kaligayahan”. Ngunit masasabi ba nating pagdating sa pag-ibig ay puro na lang kaligayahan? Hindi ba’t darating din ang oras na kailangan mo ring masakatan. Ito ay pagkabigo sa ating buhay na hindi natin inaasahan na magdadala sa atin ng labis na kalungkutan. Bahagi na ito ng ating buhay. Gaano man kasakit, gaano man kasaklap, tanggapin na lamang natin at matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa. Ikaw, nagmahal ka na ba? Nasaktan ka na ba? Oh di kaya’y nakasakit ka na ba ng damdamin ng iba ?

            Marami na akong narinig na kwento ukol sa buhay pag-ibig ng iba. Kadalasan nagiging saksi pa nga ako ng pagmamahalan nila. Masaya, nakakakilig, minsan pa nga ay nakakainggit. Hindi ba tunay naman? Nakakainggit yaong mga magkasintahan na wagas kung magmahalan, magkatampuhan man o dumating man ang puntong puro na lang away, ay pinaninindigan pa rin nila ang pangako nilang hindi nila iiwan ang isa’t isa. Mayroon din namang mga tao na sa una ay sawi na makahanap ng taong tunay na magmamahal sa kanila. May mga tao namang takot na masaktan at lumuha kaya’t pinipili na lamang nila na huwag na lamang magmahal. May mga nagpapakamartir din, na kahit ilang beses pa silang lokohin ay handa pa rin niyang patawarin. Hindi rin mawawala na sa kabila ng mga taong tunay na nagmamahal ay mga tao ring walang ginawa kundi paglaruan ang pag-ibig. Ito ay ang mga taong wala ng ginawa kung hindi magpaasa at manggamit. Bakit ba nauso pa ang panloloko? At bakit may mga taong napakahilig manloko? Ano bang napapala nila , karma lang naman diba ?

            Alam ko mayroon tayong iba’t-ibang istilo sa pagmamahal. Yung iba todo effort mapatunayan lang kung gaano nya kamahal at kung gaano kahalaga sakanya ang isang tao. Yung iba ay dinadaan na lamang sa biro. Meron din namang torpe at hanggang sulyap lamang dahil wala siyang lakas na loob upang maipahayag ang kanyang tunay na nararamdaman. May mga taong sobrang agresibo na ang gusto ay makuha agad ang loob ng kanyang hinahangaan.

            May kasabihan tayong “true love waits” na nangangahulugang may tamang oras para sa pag-ibig, gaano man katagal o gaano man kayo kalayo sa isa’t isa nananalaytay ang tiwala. Ano man ang istilo ng pagmamahal ang ating ginagawa tandaan natin na ang tadhana na ang gagawa ng paraan para matagpuan natin ang taong tunay na magmamahal satin at mapag-isa ang damdamin. Ginawa tayo ng Poong Maykapal para magmahal at mahalin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pag-ibig ( short essay )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon