Hindi ko alam kung anong araw ngayon ang alam ko katapusan na ng mundo. Haha. Joke.
Good evening!
Bukas ko malalaman kung ano ang general average ko last semester, I feel excited kasi makakapag apply ako ng scholarship. Hep hep hep. Di lang basta scholarship yun, ACADEMIC SCHOLARSHIP. capslock para intense. Hehe. Seryoso na. Masaya talaga ko kasi matagal ko ng pinapangarap na makapasok sa Acad, siguro eto na yung pagkakataon para pasalamatan ko lahat ng tao na tumulong sakin at nagbigay inspirasyon para mag aral ako ng mabuti. Una sa lahat kay Papa God kasi palagi nya kong ginagabayan sa lahat ng oras, hindi sya nagsasawa na suportahan at palakasin ang loob ko sa oras na nawawalan ako ng pag-asa. Sa pamilya ko, maraming salamat, alam nyo naman na ginagawa ko lahat ng to para sa inyo. Nag aaral ako ng mabuti para pagdating ng panahon ako naman ang tutulong sa inyo. Sa mga kaibigan ko, masaya ko kasi kasama ko kayo sa pag unlad ko. Napakasaya ko kasi meron akong mga kaibigan na tulad nyo. Dun palang panalo na ko. Sa best friend ko. Kilala mo na kung sino ka. Salamat. Good night na. Sana maging maganda ang araw ko bukas pati narin yung sayo. May God bless us all. See you tomorrow sa school.