Naalala ko Lang... (NONSENSE)

232 3 3
                                    

Naalala ko Lang...

‘Yung feeling na may naalala kang isang pangyayari sa buhay mo na sobrang espesyal pala na dapat mong i-treasure pero kinalimutan mo lang noon. At ngayon na naalala mo ulit yun, hinihiling mo na sana maulit ulit yung mga pangyayari noon at makasama mo ulit yung mga taong nakapaloob sa ala-ala mong ‘yon.

Masyado kasi akong sentimental ngayon. Ewan ko ba, basta naalala ko na lang bigla yung pang-yayaring yun. And after ko maalala yun. May na-miss akong isang tao.

Yung bestfriend/enemy/crush ko. Si Citrus

Ewan ko ba anong nangyare sa sarili ko at naisipan ‘kong pumunta sa may bahay nila. Syempre hindi ko naman kaya na ako lang mag-isa kaya nagpasama ako sa mga kaibigan ko.

Habang papunta ‘dun. Kinakabahan ako kase, ewan.. iniisip ko kasi, ‘pano kung makita ko siya? anong ire-react ko? saka kung makita ko ba siya maalala niya ba ‘ko? baka naman kasi ako lang yung nakakaramdam ng ganito, well siguro kase ewan, feeling ko lang.

“yiee!!malapit na tayo.. magkikita na sila at magkakagustuhan ulit!”sabi nung isang kong kaibigan

“hindi naman ako magugustuhan nun.. hindi naman ako maganda ehh!!”

“bakit?? Maganda lang ba nagugustuhan??”

“oo..” sa panahon ngayon, syempre karamihan ng tao maganda lang nagugustuhan.

Nung nakarating kami sa lugar na yun. Hindi ko naman maalala kung ‘san yung eksaktong bahay niya. 5 years na kase mula nung una at huli kong punta dun. Saka ang daming street dun, hindi ko matandaan ang alam ko lang banda dun yun at may fishpond sila sa loob ng bahay.

Naalala ko lang nung Grade 4 kami nun, may groupwork and sa bahay nila kami gumawa. Tinawag niya ko bigla.

“Hoy Aiwa!!”

“ikaw si Aiwa?!” tanong nung kapatid niyang babae. Tumango naman ako.

“kuya siya si Aiwa?!”

“shhh” nag-quiet sign lang yung Citrus na yun

“anu yun?!?” sigaw ko sa kanya. Kaya lang umiwas na lang siya. ewan ko ba dun,feeling ko talaga noon sinisiraan niya ko sa kapatid niya.

Nung nakwento ko yan sa mga kaibigan ko sabi nila…

“baka naman may crush sayo yang Citrus na yan, tapos nasabi niya sa kapatid niya, kaya ganun.. shock lang yung kapatid.. ayiiee!!” naisip ko rin yan nung mga panahong yun. Pero HINDI ehh, imposible.

May naalala pa ‘ko.

Patawid kami nun sa may high-way. Then yung mga kasama ko pati siya nauna na sa kabila samantalang ako na wala sa sarili nung mga panahong yun naiwan sa kabilang side.

Tapos bumalik SIYA, hinila yung kamay ko sabay sabing..

“ang bagal kase…” nung mga time na yun, syempre kinikilig ako. At para sakin yun ang pinaka-sweet na bagay na ginawa niya sakin bilang ‘!Bestfriend’!!

Mga dalawang beses akong bumalik dun sa lugar nila Citrus, pero no sign of him talaga. Ni Anino niya hindi ko nakita kaya naman humingi ako ng sign…

Na kapag nakita ko siya hangang October 11. Meaning may pag-asa pa na magkakasama kami ulit, not in a way na ‘may malisya!!’ pero in a way na BESTFRIEND katulad noon. Pero pag-hindi meaning WALA na talaga.

Quit na ‘ko.

October na. October 9 birthday niya.

Tulad nga ng sabi ‘lahat ng bagay may katapusan’ at ayun 2 days na lang.

Then

October 11 na. nung umaga iniisip ko pa na makikita ko siya kaso WALA, hangang sa mag-tanghali, hapon at gabi na at ngayon heto na tina-type ko naman ‘to kase.. wala lang gusto ko lang siya i-post dito. xD

Naalala ko lang naman lahat yun ehh.. ala-ala na hindi na mauulit muli. Ang drama hahaha

Tama na nga, ayoko na. tama ng drama, kaya ko lang naman ‘to sinulat at pinost dito kase Naalala ko lang…

Naalala ko Lang... (NONSENSE)Where stories live. Discover now