Ilang taong ika'y nasa aking tabi...
"May! Happy 4th anniversary."
"Happy 4th." Bitin mong sagot.
Ngumiti ka sa akin. Pero bakit parang hindi ka natutuwa?
Biglang nawala ng isang saglit...
"Michael, tama na. Ayoko na" Tinanong kita kung anong ibig mong sabihin. Pinilit kita pero nanatiling tikom ang bibig mo.
Ngayo'y hindi ako mapakali...
"May, sabihin mo sa akin. Anong mali? Ano? Anong nagawa ko? Bakit ganito?" Hindi mo ako pinapansin. Ilang araw na din ang nakakalipas.
Ikaw ang laging nasa isip.
"Michael. Wag mo nang pahirapan yang sarili mo. Itigil mo na to. Pareho mo tayong pinaphirapan. Tanggapin nalang natin na may taong hindi talaga para sa isa't isa." Yang huling salita mo ng matagal nang bumabagabag sa akin.
Bakit pa ba ito'y kailangan pa?
"May, wag namang ganito. Pagusapan natin. Hindi yung ganito. Hindi ko kaya." Hanggang dito nalang ba talaga tayo? Wala na ba talagang pagasa?
Ngayo'y eto ako, nasasaktan na.
"Michael, ayoko na. Wala na yung dating tayo. Tinangay na ng panahon. Hindi na parehas yung nararamdaman ko para sayo. Hindi na ako masaya."
Bakit ba?
Ito'y kailangang mangyari?
Wala ka na
Sa aking tabi
Noo'y kasama ka
Hanggang sa panaginip
Ngunit ngayo'y nagiisa
At kay sakit ng nadarama
"Michael, mahal kita. Pero mas mahal ko na siya."
Wala ka na...
==========================================================================
Author's note:
~Hihi. ^^ Bagong one shot guysh. :'> Inspired by Tj Monterde's original composition "Wala ka na" and Marcelo Santos III's "Para kay Ex". Happy Birthday Kuya Marcelo (Feelng close mode: Activated). Long live. ♥
BINABASA MO ANG
Wala ka na (One Shot)
Teen FictionTanggapin nalang natin na may taong hindi talaga para sa isa't isa. ~May.