The Start and the End...

15 0 0
                                    

Hindi to pwede eh.

Hindi ko pwedeng mahalin ang taong kahit kailan hindi ako kayang mahalin.

Hindi ko pwedeng mahalin ang bestfriend ko.

Mahal ko siya.

May mahal siyang iba.

Patuloy ko pa rin ba siyang mamahalin?

Hindi ako ganun ka-martyr noh!

Marami pang lalaki diyan.

Yan ang mga nasa isip ko ng biglang may narinig akong sigaw…

“Rys!” sigaw ng isang lalaki mula sa likod ko.

“Oh?” sagot ko agad sa kanya.

“Nakatulala ka? May problema ba? May sakit ka ba?” at hinawakan niya yung noo ko. Kaya lalo akong nahuhulog sa kanya eh.

“Wa-la. Mainit kasi. Pasok na ko ha.” Pagdadahilan ko

“Ha? Eh pareho lang naman tayo ng classroom ah. Okay ka lang talaga?” Toinks. Minsan talaga Rys nakakalimutan mo yung utak mo sa unan mo. Sa susunod kunin mo ha. Tss -_-

“Oo nga noh. He-he. Ta-ra na!” sabay takbo ko. Nakakahiya. Kanina pa ako nagstu-stutter sa harap niya. Baka mahalata na niya ako.

“Hoy!” nahabol niya ako bago makadating sa room. Ito namam kasing binti ko. Di marunong makisama. Sana humaba man lang siya kahit 5 inches lang para naman hindi ako mahabol nitong gwapong nilalang na nasa harap ko. Oops… Wala akong sinabi ha. HINDI KO SINABING GWAPO SIYA!!! He-he-he-he-he…

“Oh? Ambilis mo naman… He-he-he. Baka malate tayo. Tara na!” tatakbo pa sana ako kaso nahawakan na niya yung braso ko. Yan na naman siya eh. Try niya kayang lumayo muna sakin kahit 1 meter lang. tsk.

“May gusto ka bang sabihin sakin?” Naku patay! Aaminin ko na ba? Halata na rin naman eh. PEro baka maging awkward kami.

“Ahm. Ano kase. Rhem… may sasabihin ako sayo. Kase ano….” At namumutla na ako at pinagpapawisan. Hoooo! You can do this Rys!

“AHA!” naku nabuking na niya ata ako. “Natatae ka noh? Dapat sinabi mo na agad sakin. Ako magiging look-out mo sa labas ng C.R. Alam mo naman na kasanggga mo ako sa hirap at sa ginhawa. Pati na rin sa pag-tae. HAHAHAHAHA!!!”

“pfffffttttt.HAHAHAHAHA!!!” pinipilit kong wag tumawa pero napatawa niya pa rin ako eh. Kaya ako nahulog sa kanya eh. Ganyan siya lagi.

“Oh ano? Galing kong manghula oh? Tara… Natatae ka pa ba?” tanong niya pa habang pinapalabas yung dimples niya. Shet. Ang gwapo niya!

“Di na noh! Umatras na! Tara na nga!!! Mala-late na talaga tayo!” This time, hinila ko na siya. Mas maa-awkward lang kami eh kapag umiwas ako. Baka someday, mawala na tong feelings ko sa kanya at maging as friend na lang yung pagmamahal ko sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Reality of Love [One-Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon