Chapter 5: Forever Doesn't Exist
"Nice.. Nice.."~I said while clapping slowly, with a smile on my lips.
"Asus nambola pa siya."~ Pang aasar niya.
"Haha pabebe ka pa pinupuri ka na nga."~ I said, while getting my phone. Nag-vibrate kase.
"May Forever ba o wala?
Grp.msg."
Nang mabasa ko yung Group Message na yan bigla akong napa isip ....
May FOREVER nga ba?
"Ahmm, Kristine. May forever ba?."~pag tatanong ko sakanya.
"Depende kasi yan sa tao, it's either magpapaka bitter siya o maniniwala siya sa forever kahit walang lovelife."~Pag tugon niya sa tanong ko.
"No offense pero sa tingin ko hindi porket hindi naniniwala sa forever eh bitter na it's either na magpapaka mature tayo at tatanggapin ang katotohanan o patuloy na maniniwala sa prince charming at prinsesa na yan."~Pag-depensa ko sa sagot niya
"Hindi rin, may forever..!! Pwede ba mabuo ang pangalan kung hindi siya nag eexist? Forever exist to those who will. Yung hangin nga may pangalan although hindi siya nakikita. Bakit ba kase ang bitter nyo kay forever parang aping api kayo ah."~Pag dedepensa niya ng may paninindigan haha..
"Well, be mature enough, lumaklak na tayo ng isang bote ng Realidad, nasasaatin naman yan kung maniniwala pa kayo sa forever na yan. Pero hanggat maari tanggapin ang katotohanan sa mundong ito walang permanente kundi ang pagbabago. Hanggat maari tanggapin ang katotohanan dahil tayo rin ang masasaktan sa huli kung mag eexpect tayo na may forever."~ Pakikibaka ko haha
"Kahit na makasalanan ka yung pagmamahal ni God sayo forever, isa yan sa mga halimbawa at nag papatunay na may forever."~Pag depensa niya.
"Oo marahil sa heaven o sa eternal life na pinangako ng Diyos oo maaaring may forever pero ang pinag uusapan natin eh dito sa mundong ibabaw, pagmamahal ni God? Walang kokontra dun. Pero stick muna tayo dito sa mundong ibabaw dahil nandito pa tayo."~ I said with a smile.
"Ok fine panalo ka na tss, tara na nga masyado tayong nasobrahan sa pagtatalo malapit na mag 5th class tara Pards." Pag aaya niya.
Haha I won. Pero malelate na kame sa 5th class namen kaya sabay na kaming tumakbo. Nadaanan ko nanaman si Bea, ngumiti lang ulit siya.
~Uwian~
"Sige na Pards, una na ako sayo Buhbye."~Pag papaalam ni kristine.
"Sige ingat Pards. Turuan mo ko mag Guitar ah haha"~ I said, sabay kindat.
Naglakad lakad nalang ako, muka akong baliw dito, habang tinitignan yung mga stolen shots ni Bea. Nang bigla akong may nabunggong malaking tao.
"Aray.. Sorry.."~ Ayan nalang ang nasabi ko sabay tinangala.
"Uy Brad.!"~ Sabay naming sinabi ni Patrick.
"Oyy.. Tagal mong hindi nagparamdam sakin ah."~ Sabi niya.
"Ano haha wala ka na bang makopyahan sa section naten.."~Pang aasar ko.
"Ang sama mo naman sakin. Hindi naman ako ganun ka bobo, haha konti lang kaya nga namimiss na kita haha bababa grades ko niyan eh."~Sabi niya.
"Iniistalk mo pa rin yang babaeng yan brad"~ He said, while pointing his finger to my phone.
"Ahh si Bea haha yep Classmate ko siya ngayon."~Pag depensa ko sa pang aasar niya.
BINABASA MO ANG
Three Days Of Sweetness
Teen FictionNothing Lasts Forever, Nothing Stays The same. Everything will change.