The journey starts here.
"Do you want to be in an adventure?" tanong ng mama ko.
"Of course! at kapag nag ka adventure po ako, gusto ko po na kasama ko kayo ni papa para mas masaya!" naeexcited na sagot ko.
"E paano kung hindi mo kami makasama anak kasi may adventure din kami ng papa mo?" tanong uli ni mama.
"Kung ganun po ang mangyayari e hindi na lang po ako tutuloy kasi wala po akong kasama pag wala kayo." sagot ko naman, hindi alinlangan ang mga ekspresyon ng kanilang mga mukha.
"Anak, paano kung hindi kami maka balik ng mama mo, tapos ang mag patuloy sa sarili mong adventure lang ang paraan para makita mo kami uli?" ngayon naman ay si papa ang nagtatanong.
Nahihiwagaan na ako sa kanilang dalawa pero sinagot ko pa rin sila. "Edi gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko para makita ko kayo uli ni mama. Kasi po ayaw kong maging malungkot, ayaw kong maging mag isa."
"'Nak, paano kung--" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni mama dahil nagiiba na ang tunog ng mga salita nila. "Wala nang paano paano po basta ang gusto ko lang ay ang makasama ko kayong dalawa ni papa." pag katapos ko'ng sabihin 'yun ay niyakap nila ako nang mahigpit.
--
"Nakakamiss ang mga ganoong senaryo hindi ba?" tanong ng aking tatay pagkatapos kong sabihin ang lahat sa kaniya.
"Sobra po." sagot ko at niyakap siya.
"Ilang taon na ba ang naka lipas mula nang masilayan ko ang mga naka ngiti mong mukha?" aniya habang pinapasadahan ang mahaba kong buhok.
"Ilang taon na nga po ba?" tanong ko pabalik.
"Mag pahinga ka na, may gagawin pa tayo bukas makalawa." aniya bago ako hinalikan sa noo at iniwan sa salas ng kaniyang bahay.
Matagal. Matagal na panahon na ang nakakalipas, 'tay. At matagal na rin akong nalulungkot dahil sa biglaang pagka wala nila. Ang tanging naiwang na lamang sa akin ay ang compass na binigay nila sa araw ng kaarawan ko. At pagka tapos ng araw na 'yon ay bigla na lang silang naglaho na parang bula, na parang walang nangyari, na parang walang ako na kanilang iniwan.
Masakit, masiyadong masakit ang aking pinag daanan.
"Labin tatlong taon..."
Mula sa kalangitan ay kitang kita ang napaka liwanag na buwan. Gabi na pala, napaka bilis naman tumakbo ng oras, naiiwanan ako.
Tinitigan kong mabuti ang buwang. Ganito. Ganitong ganito ka liwanag ang buwan nung araw na 'yon. Ang araw na nawala sila.
Nakakapang hina tuwing naaalala ko ang nakaraan. Lagi ko na lang itong binabalik balikan, araw araw na lang.
Labin tatlong taon na ang nakakalipas pero sariwa pa rin ang sakit. Dumudugo pa rin ang aking puso. Sa bawat taong nagdaan ay lalaong nadadagdagan ang sakit at lalong dumudugo ang puso kong wasak.
Tama na.
Tama na ang taong nagdaan.
Ayaw ko na.
Ayaw ko nang lumuha pa dahil wala na naman na akong mailuluha pa.
Alam ko rin naman sa sarili ko na kahit anong iyak ang gawin ko ay 'di na sila babalik. Tuluyan na nila akong kinalimutan.
Ngunit sila ay 'di ko magagawang kalimutan.
Pumasok na ako sa kwarto ko para makapag pahinga, masyadong napagod ang katawan ko.
Sana bukas sa pag gising ko, may ngiti nang makikita sa mukha ko.
I've got to move on, and I need to go forward.
--
"Good morning," bati ni tatay pagka labas ko ng kwarto. Nginitian ko siya, "Good morning."
"It's good to see you smiling again," aniya at humigop ng kape, his morning ritual. Tumango na lang ako bilang sagot at dumeretso sa kusina ng mansion.
Habang nag luluto ako ng agahan namin ay naramdaman ko ang presensya niya.
"May dadating na isang babae sa makalawa, dito na siya titira simula sa araw 'yun." sabi niya habang umuupo sa kanyang paboritong upuan.
"Bakit dito?" tanong ko habang hinahanda ang mga pagkain.
"Katulad natin siya Rann," sagot niya.
"Anong kakayahan niya?"
"Hindi ko pa alam ang lahat tungkol sa kaniya bukas ko pa makukuha ang mga impormasyon. Ang alam ko lang ngayon, ay isa siyang babaeng mahilig sa kadena." paliwanag niya. Mahilig pala sa kadena ah, magandang kalaro 'to. Kumain na lang kami ni tatay at pagkatapos naming kumain ay umalis ako sa mansion.
Let's give her a good welcome party.
YOU ARE READING
Collector: The adventure
AdventureThe adventure of collecting magical gems that has varieties of power. The girl who loves to travel influenced by her parents journey starts now. "Come with me, we will go to the different parts of the world."