The Worshipper

17 1 0
                                    

May's POV

"Bakit may bagsak ka?! Hindi ka na nagaaral ng mabuti?! Puro ka Cellphone." napayuko lang ako habang sinisigawan ni Mama. "Oh bakit hindi ka sumasagot?!" sigaw ulit ni Mama at sinampal ako.

"Kasi Ma yung teacher ko.." naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong sinampal ulit.

"Sumasagot ka na rin ngayon?!" sabi ni Mama na ikinatahimik ko.

Yung teacher ko kasi may galit ata sa amin kaya binagsak niya kami. Yan yung gusto ko sabihin at iexplain kay Mama pero alam kong hindi niya ko papakinggan.

Nang matapos ang halos isang oras natapos na si Mama, pumunta ako sa kwarto at dun umiyak.

Ewan, bigla na lang tumulo yung luha ko tapos hindi ko na mapigilan. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko para mapigil ang paghikbi ko. Ayaw ko marinig nila ako na umiiyak.

I contact my friend but it seems they are busy. In-off ko ang cellphone ko at dinukdok ang mukha ko sa unan.

Maya maya pa ay inikot ko ang paningin ko, may nakita akong isang tali.

Ewan ko kung ano yung sumapi sakin at tumayo ako, kinuha ko yun at binitin yun.. Magbibigti na ko, tatapusin ko na yung buhay ko, pagod na pagod na ko. Araw araw na lang ganito, Araw araw napapagalitan, sinisigawan, sinasaktan physically kahit wala ako ginagawa sa kanila. Nakakapagod na, napapagod na ako sa araw araw na pananakit nila. I am tired Emotionally and Physically. Hindi ko na kaya, Hindi ko na alam gagawin ko. I just want to end my life.

Nang matapos ko ang pagaayos ng tali, kumuha ako ng upuan at pumatong doon. Nilusot ko ang ulo ko sa tali.

"I want to end my life, Sorry Lord, hindi ko na kaya. Sobrang sakit na." banggit ko out of the blue.

Unti unti kong inaalis ang upuan. Unti unti ko rin naramdaman ang pagkasakal ng tali sa leeg ko. It hurts.

Maya maya pa ay tinigil ko, or should I say napatigil ako, nakapikit lang ako at umiiyak ng tahimik. Ewan ko feeling ko may pumipigil sakin na hindi ko nakikita.

Hindi ko kaya..

"Why.." mahinang sambit ko.

Tinanggal ko ang tali sa leeg ko. Bumaba ako at saka ako sumalampak sa sahig. Hindi ako makapagisip ako ng diretsyo. Umiyak ako, umiyak lang ako ng tahimik.

****

Ngayon wala na kong gana mag-aral simula nung bumagsak ako. Feeling ko kahit anong galing ko, kahit anong intindi ko sa lectures wala, babagsak at babagsak pa rin ako.

"Gumawa ka na May." sabi ng bestfriend ko.

"Mamaya na lang bukas pa naman yan ipapasa." walang gana kong sabi at tumingin sa cellphone ko at nagsaksak ng earphone at nakinig na lang ng music.

"Sure ka ba?" paninigurado niya.

"Oo." maikling sagot ko.

"Okay ikaw bahala, basta siguraduhin mo na makakapagpasa ka ah." paalala niya pa.

"Okay, okay." sabi ko at nilakasan na ang volume ng music dahil gumagawa na rin naman yung bestfriend ko.

Nakakawalang gana naman kasi, I'm feeling empty this past few weeks. Feeling ko kahit anong galing at talino ko na sinasabi nila walang patutunguhan. Hindi kasi ako magaling at hindi ako confidence sa sarili ko.

I am not good enough.

****

A month past. Ganun pa rin ako o mas lumala pa. Wala akong gana mag-aral, walang gana sa bahay, or worst walang ganang mabuhay.

Kasama ko ngayon ang bestfriend ko na si Angela.

"Ang tamlay mo? May problema ka ba?" tanong niya kaya napaiwas ako ng tingin.

"W-wala." utal kong sagot nang hindi tumitingin sa kaniya.

"Sure ka? Wag ka na magsinungaling, halata naman, share mo na." sabi niya kaya napabugtong hininga na lang ako.

"Last time.." I paused doubting if sasabihin ko ba o hindi.

"Last time? Ano?" tanong niya. Nagbugtong hininga ulit ako bago nagsalita.

"Last time I almost commit suicide.." hindi ko na naituloy ang pagsasalita nang biglang sumigaw si Angela.

"Ano?!" sigaw niya at hinawakan ko siya sa balikat.

"Chill. Makinig ka muna sakin. So ayun na nga nung unti unti kong tinatanggal yung upuan na tinatayuan ko, feeling ko parang may pumipigil sakin na gawin yun tapos bandang huli bumaba ako sa upuan at umiyak lang ako ng umiyak." kwento ko sa kanya habang siya nakikinig lang.

"Kasi dapat hindi mo yun gawin. For sure pinipigilan ka ni God. Kasalanan yun pagnagkataon." sabi niya. "God won't let you do that. That is not your time yet, at malayo pa yung time mo. Kailangan mo na talaga magserve at maglifegroup." dagdag pa niya.

Napabugtong hininga ako. "Tingin mo?" sabi ko at napaisip.

"Oo, matutulungan ka nila doon about sa mga problems mo at mapapalapit ka kay God." sabi niya.

"Sige pagiisipan ko." sagot ko at ngumiti.

****

A few weeks past iniisip ko pa rin kung sasama ako sa church nila Angela na sinasabi niya. Mukha kasing masaya naman doon.

Iniisip ko kung magbabalik loob na ba ako? Dati naman din kasi ako na follower ni God hindi nga lang masyado nagchuchurch. But I am reading a bible. Until I got this pain, depression. Nawala ang belief ko sa Kanya.

"I'll try that thing." sabi ko sa sarili ko at bumugtong hininga.

****

It is Sunday today at may usapan kami ni Angela to go to Church.

Pagkapasok pa lang namin sa Church ay iba na ang feeling ko.

Ang topic ay about sa Grace ni Lord. Natamaan pa din ako. Habang nagsasalita yung tao sa harapan ay parang naiiyak ako lalo na may background music.

"Nagbalik loob na ko." sabi ko sa sarili ko.

Pagkatapos ng session ay may kumausap sakin, member siya ng nagwoworship kay God dito sa church. She bless me.

"Gusto mo ba maglifegroup?" tanong nito sakin at I'm gladly take that opportunity.

"Sige po." sagot ko.

After nun ay may finill up-an ako na papel at sinabi na cocontactin na lang ako para sa lifegroup.

Pagkauwi ko sa bahay ay parang ang relief at ang saya saya ko.

"Ang saya magworship kay Lord." sabi ko.

****

Pumunta din ako the following Sunday. Then I met ang maghahandle sakin sa lifegroup. At inaya na ko maglifegroup that day.

Hindi man ako nakapagpaalam pero worth it pa rin.

Ang saya saya sa pakiramdam. Lalo na makabalik kay God. Bumalik sa pagseserve kay God. At sinimulan ko ulit ang pababasa ng Bible. Ansaya sa piling ni God.

God is the best thing.

****

The WorshipperWhere stories live. Discover now