Nanlalamig ka na yata?
Wala ng mga pangungusap o ni kataga
Na nagmumula sa iyong mga dila
Hindi ko na alam, parang sasabig ba ang aking isipan
Hindi ko maunawaan kung saan ako nag kulang
Dahil ba inuuna ko ang trabaho dahil may mga pangako tayong bubuo ng matibay na bubong sa pamilyang ating binubuo
O dahil ba ayaw sa akin ng mga kaibigan mo, dahil sa kanilang mga mata ako ay malaking hadlang sa inyong kasiyahan
Ayaw kita nag lalasing dahil sa takot na baka sa kulongan ang iyong kahahantungan
Di nila alam ang iyong tunay na nararamdaman na sa huli ako ang iyong pinagbubuntungan
Munsan ako'y di pumapasok sa trabaho dahil sa mga pasang natatamo ko
Ikaw naman tung si matalino sa pinakasulok na bahagi ng katawan ko ikaw nag tatanim ng marka
Marka ng poot mo sa mundo na handa akong alisin para sayo
YOU ARE READING
Paalala sa mga nagmamahal
Poetryprecautions in loving somebody too much based on my own experience, please don't judge .. newbee here .. thanks