Chapter 4

14 2 0
                                    

Hayst.

Naiinis talaga ako dun sa mga subjects na feeling major subject. Kahit minor subject lang naman? Puta pa-importante?

'Tong contemporary arts na 'to eh pa-importante eh naloloka talaga ako. Pa-play ng pa-play! Buti sana kung mag-aartista ako eh. Kaso jingle gagawin namin so pwede naman ako maging singer.

MaGAndA kAyA bOSeS kO?!

Evaluation 'to sakin.

Charot! Di ako ganun kasama. Charot ulit! Half-meant 'yun.

Half-demon, half-angel ganun. Hehe.

Kalagitnaan na ng 2nd quarter at poeta talagaaaaa. Ang daming pinapagawa! Ang hirap maging senior high school. Buti na lang maganda ako. Hng!

Sa ngayon, nagmi-meeting kami ng mga ka-groupmates ko dahil may play kami mamaya. 'Di ko alam kung san tungkol yung jingle kasi bangag ako eh.

"Hoy Venus!"

"Oy?"

"Tulala ka nanaman 'jan sis ha. Ano na?"

"Ano ba gagawin?"

Sabi ko sa mga ka-grupo ko. Epal 'tong si Jay eh. Sasapakin ko 'to.

"Ayan sis ha 'di nakikinig,"

"Eh puta kung sapakin kaya kita 'jan?"

"Hahaha! Eh bakit maga mata mo? Nanood ka nanaman ng family strokes ah!"

"Gago! Nanood ako k-drama!"

Dahil katabi ko siya ay pareho kaming tumawa ng malakas saka nag-apir. Sayang idederetso ko sana yung palad ko sa mukha niya kaso wag na baka umiyak.

So ayun balak pa nila akong gawin leader kaso syempre 'di ako pumayag kasi sabi ko bangag ako at 'di gumagana utak ko.

At saka sila nag-usap. Sila lang kasi 'di naman ako nagpa-participate. Bangag ako eh.

So yung gagawin namin ay jingle nga at kumuha na lang sila ng kanta saka pinalitan yung lyrics. One Day pa ang nais. Ewan ko pero madalas 'tong jini-jingle lagi.

Ginawa ko lang naman sa grupo ay mag-ingay. Wala din naman silang magagawa eh hehe. Attitude ako ngayon hayst.

Napalingon ako sa kabilang grupo nang marinig ko yung kanta nila. Ay nagpa-practice yung mga kupal. At teka! Si Uranus yung nakanta! Ganda talaga ng boses ni kruxx.

Oops!

Oo na! Kruxxt ko na! Eh kese nemen eh. Eng wefu tes telene pe tes gende pe neng beses tes enebeyen nekekeenes telege perfect genern!

Tahimik lang kayo ha potangena.

So ayun omg aayusin ko na nga 'to manonood si kruxx! Makikita na niya yung secret talent ko kaloka! Hayst! Careful lang kruxxt! Baka mabighani ka sa boses ko pero syempre mas mabibighani ako sayo rAwR?!

At dahil feeling major subject si ma'am, ang sabi niyang huling magpapasa nang 1/4 ay siyang grupong mauuna. At syempre talented din ako sa pagsusulat, mabilis akong nakapagpasa at kami ang unang nagpasa. And that means kami ang huli. Hayst talaga nakakagigil!

Ewan ko lang pero nung nagsimula na kami, sasabihin kong mukhang mga tanga yung classmate ko sa harap. Wala man lang matino ampota pero oks lang masaya naman hehe. Basta mukha silang tanga.

For sure kami din naman pero go go go lang!

Nang kami na ay syempre laptrip din. Tungkol lang naman sa shapes yung kanta namin. Ewan ko ba naman kung sino nag-isip ng lyrics.

"Ikaw ay parang bilog,
Na mistulang mundo ko.
Na nagbibigay ng tibok,
Sa aking puso."

"Rawr!"

At dahil extra ako, pagkatapos nang unang verse—na lahat kami ay kinanta 'yun—ay may pahabol ako kaya nagsitawanan ang mga classmate ko pati na 'din si ma'am.

Playtime na naman si watta haynako!

Nang matapos kami ay syempre agad kaming umupo dahil sa hiya. Medyo nahiya din ako kasi tinawanan ako ni kruxxt pero okay lang! Tawanan niya lang ako basta mapangiti ko siya rAwR!?

Pagtapos ng subject na 'yun ay lunch time. As usual ay majority ng classmates ko ay nawala sa room at onti na lang kaming natira sa loob. At syempre malamig hehe.

Napagpasyahan kong hindi lumabas at matulog na lamang. Kahit gusto kong kumain ay tinatamad akong tumayo kaya dinaan ko na lang sa tulog.

Hindi rin kasi ako masyado nakakuha ng maayos na tulog kasi nga nanood ako ng k-drama. Ganun lang hehe.

Hayst sarap kasi ni papi Lee Dong Wook eh ayan tuloy ugh rAwR?!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

venusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon