Road To Forever - (1) 📖

169 2 0
                                    

Ilang taon na nang nakakalipas simula nung kinasal si Karylle kay Yael noong March 21, 2014 naging mahirap ito para kay Vice, ilang taon din siya nangulila pero noong 2017 may nakilala siyang isang lalaki na nagpatibok ng kanyang puso naging mahirap sa kanya na mag move on pero kinayanan niya hanggang sa naging sila nitong 2019 at sinabi na rin nila sa publiko ang kanilang relasyon pagkatapos ng ka sampung taon na Anniversary ng its Showtime masayang masaya ang mga ka trabaho ni Vice dahil finally matagal na rin nilang pangarap na maging masaya si Vice kahit ang kanilang pamilya ay masaya para sa kanya, pero kasagsagan ng kasiyahan nila biglang denied nila ang franchise ng Abs Cbn nung July 10 2020, sobrang lungkot nila at ng mga taong sumusubaybay ng mga oras na yun at isa isa na silang nakaalis ng ibang bansa, pagkatapos ng dalawang taon ito ang nangyari (gawa gawa ko lang)

February 14, 2022 - Monday

@Paris Valentines day

7am - Monday

Rosario Viceral: anak kumain na muna tayo

JM Viceral: opo nay sige saglit lang po

Rosario Viceral: ano ba yang ginagawa mo diyan nak?

JM Viceral: wala naman po nay

Rosario Viceral: siguro namimiss mo na yung mga kaibigan mo nak?

Napangiti naman si Vice dito nang dahil sa pagbanggit ng kanyang ina na si nanay Rosario sa mga dating kaibigan niya sa showbiz

JM Viceral: opo nay kamusta na kaya sila siguro masaya na sila sa kani kanilang buhay

Rosario Viceral: ewan ko nak eh

JM Viceral: hay naku buhay nga naman o

Rosario Viceral: lumabas ka kaya muna ngayon para makapasyal saka ilang taon naman na simula nung nagkahiwalay kayo ni Ion

JM Viceral: nay please lang huwag niyo nang babanggitin yung lalaking yun hinding hindi na ako magpapa-katanga pa sa kanya pagkatapos lahat ng binigay ko sakanya tapos ganito lang ang gagawin niya, ayoko na nay pagod na po akong umiyak gusto ko naman maging masaya ulit nay (umiiyak)

Rosario Viceral: tahan na nak ayoko naman na nakikita kitang umiiyak eh

JM Viceral: maganda na sana yung relasyon namin eh tinanggap niya ako nay tapos pinagsigawan ko pa siya sa harap ng maraming tao tapos ano pag-gising ko na lang may mahal na siyang iba ganun ganun na lang yun akala ko siya na talaga nangako siya sa akin nay tapos ganito lang karma ko na ba ito nay (umiiyak)

Rosario Viceral: anak hindi mo naman kasalanan na magmahal eh saka nasaktan ka lang nak

JM Viceral: kahit na bakit niya ako iniwan ganun din lang naman yun dahil ano bakla ako ganun

Rosario Viceral: hindi naman sa ganun nak siguro may dahilan ang lahat kung bakit tayo na sasaktan pero malay mo makakahanap ka pa ng taong hindi ka na iniwan kahit kailan kasi deserve mo naman maging masaya eh

JM Viceral: ganun na rin yun nay iniwan niya ako nang dahil kay Jackie mas pinili niya si Jackie kaysa sa akin

Rosario Viceral: diba dati rati anak pinag-aagawan ka pa nung dalawa noon pero nang dahil doon sila ang nagka developan

JM Viceral: oo nga no nay bakit hindi ko alam yun

Rosario Viceral: ay naku hayaan mo na lang siya nak kasalanan naman na niya yan at pinakawalan ka pa

Road to Forever (a Vicerylle story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon