Multo

11 1 2
                                    

Alas-tres ng umaga nang ako'y makaramdam ng kakaiba
Kakaibang pakiramdam kung saan nalulungkot, naaasar, naiinis, nagagalit, at naiiyak.

Alas-tres ng umaga kung saan naramdaman ko ang elementong yumayakap yakap sa akin
Yumayakap ng mahigpit hanggang sa ako'y hindi na makahinga.

Elementong bumabalot sa buong pagkatao lalo na sa pagpatak ng oras na 'yon.
Elementong unti-unti kang papatayin kahit ilang beses
Elementong hindi ko alam kung paano ko papaalisin
Elementong nakakatakot,
Maawa ka, hindi na kita kayang tiisin.

Eto nanaman ako,
Gising ang buong diwa't pagkatao
Gumagawa ng tulang hindi naman makapagpapabago.

Makapagpapabago sa alin? sa nakaraang akala ko puro saya lang ang mararamdaman
Sa ngayon na nabubulok at nakalalason
O sa hinaharap na walang patutunguhan kundi ang unan mong nalulunod sa mga mata mong lumuluha gabi gabi?

Sige,
Sige yakapin mo lang ako elementong sumisigaw at nakabibingi.
Sige,
Sige bumalik ka at muling umalis na parang multong nakababaliw.
Sige,
Sige patayin mo ko unti unti hanggang buto nalang ang matira sa aking katawan.
Pero sige, tandaan mo na kahit gumigising ako ng Alas tres ng umaga para lumuha at matakot,
Nandito ako, kinakaya ko.

Kakayanin kong imbis na ikaw na isang elementong nakamamatay na yakapin ako, ay ang mga taong handang yakapin ako hanggang matalo ko lahat ng takot sa aking loob.

Kakayanin ko hanggang sa mawala ka, elementong nakakatakot.

MultoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon