Angelique
Gabi nanaman, kailangn ko nanaman makipag sapalaran sa magulong mundo.
Kailan ba matatapos to? Napapagod na ako pero kailan lumaban para sa pamilya ko.Nagayos na ako at nag bihis dahil kailangn kong pumasok sa trabaho, ako si Angelique Saivie Cruz , 25 yrs old maaga akong namulat sa mundo 15 ako nung una akong nag trabaho bilang waitress sa bar , waitress lang naman kaya lang di maiiwasan na minsan mabastos pero ayos lang hanggang doon lang naman yun hanggang tingin at hawak lang naman sila. Mas mahalaga ang kikitain ko para mapagamot ko ang anak ko, oo tama kayo ng basa may anak na ako 3yrs old na sya, single parent lang ako mahirap oo pero kakayanin ko lalo pat saakin lang umaasa si nanay at ang 2 kong kapatid.
22 lang ako ng mabuntis ako kay Paris hindi ko ginusto pero minahal ko siya dahil kahit masalimuot man ang dahilan kung bakit sya nabuo anak ko parin sya biyaya parin sya.At dahil night shift ako si nanay ang nag aalaga kay Paris ako naman sa umaga pag dating ko. Hindi ko nakilala o namukaan ng ama ni Paris pero isa lang masasabi ko wag na syang magpakita kahit kailan.
"Angel paki dala naman to sa VIP 1 ayusin mo ang pag dala dahil bigatin ang client doon." -Cindy
"Sge, ako ng bahala." Habang dinadala ko ang inumin sa nasabing kwarto nakadama ako ng matinding kaba ewan ko ba bahala na.
Ng makapasok ako nakita ko ang client na nakamaskara adik ata ko bakit sya naka maskara? Napangisi ako sa isipan ko pero kalahati lang ang maskara nya kita ko ang isang mata na na kulay asul parang pamilyar pero hindi ko naman matandaan kung saan ko nakita.
Hanggang sa mga oras na nag daan habang nag seserve ako hindi mawaglit sa isipan ko yung nakita ko. Iniisip ko parin sya, parang may kakaiba kasi, maging sa pag uwi at pag tulog sana pag gising ko bukas limot ko na to.
BINABASA MO ANG
The Good Villain
General FictionAcceptance is the most important. Not all villains are bad, sometimes they do that to make their love ones safe.