CHAP 1: Back to School!

11 2 0
                                    

Mika's POV

"Shocks! ang init naman." Pagrereklamo ko, habang binubuksan ko ang aking payong.

Maglalakad nanaman ako ng pagkahaba haba papuntang sakayan ng jeep.
Pero oks lang, excited narin talaga ako pumasok sa eskwelahan.

Pasukan nanaman...
Ano kayang magagandang mangyayari sa araw na ito?
Bukod sa mga classmates ko at sa bestfriend kong si Hannah, namiss ko rin ang paborito kong porkchop sa canteen! yung refreshing lemonade at yung pagsesermon sa amin ni Mam hihi.

Pero eto na, simula na ng third year life ko bilang sikolohiya.
Panigurado magiging makabuluhan at masaya ang taong ito para samin.

"Bayad ho. Estudyante."

***BEEP
(Nag text yung best friend ko, si Hannah)

"Miks, san kana?" Tanong nya.

"On the way na. 9:45a.m. Dyan nako."

"Okay sige, ingat ka bes! Dito nako room."
Sweet talaga ng bestfriend kong 'to!

"Okay bes! Takits!" Reply ko sa kanya.

Sabay kuha ng earphone sa bag, pasok sa tenga at play ng isa sa mga paborito kong kanta.

(LARO - AUTOTELIC PLAYS)

Puso natin ay patintero sa ulan..
Pagsasama natin ay tagu-taguan..
Langit ka, ako naman ay nasa lupa.
Lulukso, baka sakali abutin.

Buntong hininga..
'Di ba.
Ang sarap makipaglaro...
Laro tayo ng..
Mataya taya, mataya taya...
Pagkabilang ng tatlo, takbo tayo papalayo.

Isa sa dahilan kung bat gusto ko yung kanta na 'to eh yung beat at vibe na binibigay nya. Kahit na medyo masakit yung lyrics nya, ang good ng vibes na binibigay nya. Ironic, 'di ba.

After 20 minutes, bumaba na ako ng lardizabal at naglakad papuntang school.

"Manong, para po!"

Habang naglalakad ako papuntang entrance ng school may nakita akong pamilyar na mukha.

"Diba sya yun." mahina kong bulong sa sarili ko habang nakatingin sa lalaking nakatambay sa garahe ng school kasama yung mga tropa nya.

"Ang gwapo nya talaga." Hahaha para kong sirang kinakausap yung sarili ko.

Hindi ko namamalayan nakatitig na pala ko sa kanya.

"Aray!" Biglang sigaw ng isang lalaki.

"Miss ano ba! tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Pasigaw na sabi nito sa akin.

"Shocks! sorry po." Omg! Natapakan ko na pala yung paa ni kuya, nakakahiya.
Humingi ako ng pasensya at feeling ko namumula na yung mukha ko sa hiya.

Pagtingin ko sa bandang kanan...

O_________O

Nakatingin sya sakin, at parang natatawa tawa.

Nakita nyako? Nakatingin sya? Sakin ba sya natatawa? Hala ka Mika.
Hala bat ang init ng mukha ko feeling ko lalo akong namumula.

Nagmadali nalang ako papasok ng school at umakyat sa room sa sobrang hiya.

Wala pa si Mam, nasa loob na yung mga kaklase ko at yung bestfriend kong si Hannah. Dali dali akong pumunta sa upuan ko at umupo na.

"Oy bes! Anong nangyari sa'yo? Bat parang namumula ka? Haha" Ewan ko kung nag aalala o nang aasar eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Day We Met.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon