Sa larong eto alam kong walang kasiguraduhan,
Yung tila walang pakialam kung saan ang patutunguhan.
Larong Dula-dulaan,
Pero Ginawa kong katotohanan.
Mga pangyayari na dapat ay may pinaglalaanan,
Mga oras na akala ko ay wala na ngang hangganan.
May pag-asa pa ba na tayo'y mag katuluyan,
Hanggang sa dulo ng walang hanggan?
O tuluyang magkalabuan,
Patungo sa pagkakalimutan?
Mga pangakong nakalimutan,
Kailan man hindi na makakamtan.
Ngunit akoy patuloy na umaasa na maiibalik pa ang nakaraan,
Para sayo lahat ng pagkakamali ay itatama at tuluyan ng kakalimutan
Panahon na siguro na ikaw ay kalimutan,
Para puso ko'y muling mabuksan
Ngunit paulit ulit kong tinatanong sa aking isipan,
Kung bakit nga ba humantong sa ganito yong dating pag ibig na akala natin ay wala ng hiwalayan
Mga sumpaang wala ng kamatayan,
Mga pangarap na di na mahihigitan ng sino pa man.
Ngunit bakit nga ba napabayaan?
Bakit nga ba humantong sa ganitong pagkakataon na di ko matukoy ang sapat na dahilan
Hindi ko na alam ang pupuntahan,
Kase ako'y iyo ng sinukuan
Teka dapat na rin yata magising sa isang bangungot ng nakaraan,
Dapat na bang gawin din ang iyong paraan?
Dapat na rin bang sukuan ang ating pagmamahalan?
Dapat na rin bang sukuan kita kahit alam kong ako na lang ang mag isang lumalaban?
Oo buo na ang pasya ko na kakalimutan ang nakaraan ibabaon sa limot ang mga nakasanayan
Dahil sa sitwasyon natin ngayon ay alam ko na yon lamang ang tanging paraan upang di na bumalik pa ang sakit na naidulot mong tila kamatayan.