CHAPTER
ONEI WANT TO BECOME A
SUPERHEROShawn Point Of View
I Want To Become A Superhero, yan ang madalas na marinig natin sa mga bata kapag natapos nilang panoorin ang isang Superhero Movie, nakaka inspired naman kasi at nakakabilib na panoorin dahil sa kanilang kakaibang ability at isa pa sa nakaka-amize ay kapag lumilipad na sila, lalo na kapag nakikipag laban na ang mga paborito nating Superhero ayaw nating matalo sila, at kapag nakikita natin na malapit na silang matalo ay gusto natin silang tulongan, pero in the end ay sympre mag Wawagi pa din ang kabutihan laban sa kasamaan.
Halos lahat naman siguro tayo nangarap maging Superhero lalo na kapag kakatapos lang natin manonood o mag basa ng mga Superhero movies o kaya mga Komics. Ikaw isa ka din ba sa mga batang nangarap na maging Superhero? Kasi ako Oo nangarap ako na balang araw ay mabibiyayaan ako ng kapangyarihan kahit sa anong kaparaanan at makapag-suot ang astig na Superhero Custome at lalo na ang makalipad at mamasyal sa himpapawid at laban ang mga masasamang tao.
Nangarap ka din ba gaya ko na Balang Araw ay maging isang Superhero?
Nagsimula ang pangarap kong ito noong nasa Grade School ako mga nasa Grade 3 ako noon. Nagsimula yun nung manood kami sa Sine ni Papa sa may SM North EDSA... Noong sinabi palang ni Papa na manonood kami ng Sine ay Sobrang na exite ako gabi palang ay tanong na ako ng tanong tungkol kay Batman at yes tama ka Batman ang papanoorin naming Movies, gabi palang ay hindi na ako makatulog na sana maging umaga na at para makapanood na kami ng Batman Movies.
At Dumating na nga ang inaabangan ko ang makapasok kami sa Sinehan. Sa labas palang ng Sinehan ay madami ng Poster si Batman at meron pasang Statue sa may labas ng Sine kaya nag pa picture ako kasama ni Papa, tsaka kami pumasok sa Loob ng Sinehan ang Dilim ng paligid pero hindi ko na pinansin yun naupo kami bi Papa at saktong pasimula na ang Batman Movies..
Simula umpisa ay hindi na ako umiimik kahit English ang salita at hindi ko masyadong maintindihan ay ok lang basta mapanood ko si Batman at matalo niya ang mortal niyang kalaban na si Joker the Prince of Crime...
Nag-umpisa ang palabas At tinutukan ko ito hanggang sa natapos, Doon ko na sabi sa sarili ko na gusto ko din maging kagaya ni Batman kahit na wala siyang kapangyarihan na gaya ng ibang Superhero ay naging Superhero pa din siya dahil sa kanyang talino at kanyang galing sa pakikipag laban.. Doon ko napag tanto na Sana balang araw ay maging kagaya din ako ni Batman na kahit walang kapangyarihan ay naging Superhero pa din.. Magiging kagaya niya din ako..
Paglabas namin ng Sinehan ay kwento ako ng kwento kay Papa tungkol sa napanood namin at natuwa din siya dahil nagustohan ko ang pinanood namin.
Naglalakad kami sa Mall ni Papa ng mapadaan kami sa Bilihan ng laruan, "Papa punta po tayo doon sa bilihan ng Laruan.." sabi ko kay Papa "Mamaya na Shawn bili mo na tayo ng pasalobong natin kay Mama.." sabi ni Papa at pumunta kami sa bilihan ng Shawarma dahil halos katapat lang nito ang bilihan ng laruan ay umalis ako sa tabi ni Papa para pumunta doon sa bilihan ng Laruan..
Pagdating ko doon ay namangha ako sa Batman action figures at meron din Batman Mobil, Batman Mask at ibat ibang klaseng Batman, kinuha ko ang isa wala sa karton kinuha ko ito at tinaas ko na parang lumilipad siya at ginalaw ko ang kamay at para bang nakikipag laban siya, at tuloy-tuloy ang paglalaro na para bang akin ang laruan na yun..
Mamaya pa ay dumating na si Papa, "Andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala.." sabi ni Papa at hindi na din ako nakapag salita dahil sa pagkabigla, kinuha sa akin ni Papa ang Batman Action Figure at binalik niya ito sa istante tsaka niya ako binuhat at habang papalayo kami ay tinatanaw ko pa din ang laruan na yun at hanggang mawala na ito sa paningin ko dahil da sobrang dami ng tao.

BINABASA MO ANG
I Want To Become A Superhero
FanfictieAng kwentong ito ay patungkol sa isang batang nangarap na maging Superhero sa kanyang paglaki.. Alamin natin kung magtatagumpay ba siya sa kanyang ambisyon o mabibigo lang siya. Aksel©2019 I Want To Become A Superhero.