XII

4 0 0
                                    

Kung posible bang maghimala
Maaari ko kayang makuha
Pinakamimithi ng puso
Na muling makasama ang yumao
Na muli siyang mahaplos
Mahagkan nang ang damdami'y tuluyang umayos
Na kasabay sa kaniyang libing
Pagkatao ko'y hindi na naubusan ng hinaing
Mga kamay na nakagapos sa nakaraan
Tinig na tumatawag nang paulit-ulit sa kawalan.
Inay, bakit ka tuluyang nang-iwan?
Akong anak mo'y nawalan na ng ilaw sa daan.

Kung Pwede LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon