No forever✌

22 0 0
                                    

"Babe? pwedi ba kitang makausap?" text ni Miles saakin, ang boyfriend kung 4years na hindi nagsasawa sa ganda ng mukha ko.

"Sure babe , see ya at school ! sa Labas ng science lab nalang tayo mag-usap" reply ko sa kanya. After ng class namin nakita ko agad si Miles, parang may kaba agad akong nadarama. *bad aura go away!!*

"Babe! nandito kana pala, --* "

" Babe!! kanina pa kita hinahanap dito sa campus! and wait?? I thought break na kayo ni Laureen? bat' nandito sya? " sabi ng isang babaeng hindi ko kilala na dito rin nag-aaral sa school namin

Na shock ako sa mga narinig ko, hindi ko napigilang umiyak habang nakatitig sa mukha ni Miles, at ang sikip sikip ng nararamdaman ko. Gusto kung tumakbo at mapag-isa!!!!

"Miles! bat' di mo agad sinabi? bat' di mo ko agad sinabihan na wala kanang spark sa akin! Na wala na tayong Forever! na wala na lahat ng pagmamahal!! pinaasa mo ako! akala ko iba ka sa lahat! akala ko hindi mo ako sasaktan ng ganito! nasaan na ang ipinangako mo? lahat ng iyon! nasaan na Miles?!!!" paiyak kong sabi sa kanya. Halos lahat ng tao na dumadaan sa amin, humihinto.

" Desperate! hindi mo ba nakikita? Ako na ang mahal niya! minsan kasi pag nalulong ka sa pag-ibig Tanga kana! kagaya sa kondisyon mo! may mga bagay na makakapag saya sa isang lalaki at hindi mo kayang ibigay kay Miles! Nakaka awa ka girl, 2years lang ang forever span nyo! dahil 2years na rin kami ni Miles! Napa ka tanga mo! alam mo , at nararamdaman mo na hindi ka na niya mahal, na iba na ang trato niya sa iyo kumpara sa dati! awang-awa ako sa sarili mo! Niloko kana, minahal mo pa ng Sobra!" sabi ng babae na kasama ni Miles.

I saw some of the students, videoing our scenes, hiyang hiya na ako sa sarili ko. Hindi ko alam saan ako pupunta.

"Alam mo? alam mo na niloko niya ako? alam mo lahat ng ito ha?!!" pasigaw kong tanong sa babae.

" Oo laureen alam ko! matagal kana niyang gustong iwan! ang problema sa iyo! hindi mo matanggap! huwag mo sisihin si Miles, sisihin mo yang bobang sarili mo! Mapaniwala ka kasi sa Forever forever na yan! na sa henerasyon natin, hindi na pwedi yan! " mataray na sagot ng babae.

Tumakbo ako! malayo sa lahat! gusto kong mapag-isa! Ayoko ng kausap! ayoko na! galit ako sa sarili ko! galit na galit! napaka tanga ko, simula palang alam ko naman na parang nagbabago na turing ni Miles pero hindi ko pinansin dahil alam ko na mahal niya ako at mahal na mahal ko talaga siya. Hindi ko matanggap ang mga pangyayari na ito! Hindi na ako maniniwala sa forever! hindi na ako magpapaka tanga!

No Forever ✌Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon