*6 na taon ang nakalipas*
"Wow, ang ganda talaga ng tanawin ngayon. Masarap pagmasdan, tila ba pampakalma itong nakikita ko. Naadik na ata ako sa sobrang ganda at kinang ng mga ito," sambit ko habang pinagmamasdan ko ang mga bituin sa kalawakan.
"Oo nga anak, parang ako lang ba?" sabi naman ng aking ina.
" Aba'y mas maganda ka pa kaysa sa mga bituin sa kalangitan!" matamis namang tugon ng aking ama.
"Yieee, ang sweet niyo po talaga. Sana ganito lang tayo palagi." Lagi kong hinihiling sa'king sarili.
Biglang umihip ang malamig na hangin sa labas. "Huuu (Giniginaw), ang lamig naman po dito. Padating na si Santa Claus!" sambit ko na parang isang bata pa din. Christmas Eve nga pala ng araw na iyon kaya ang lamig-lamig.
"Pa-santa santa claus ka pa diyan anak eh hindi ka na bata para maniwala diyan.," pabirong tugon sa'kin ng aking ina.
"Eh kahit na, malay niyo po totoo siya? Na nagbibigay ng regalo sa mga bata at tumutupad ng hiling?" sabi ko.
"Anak, wala pang napapatunayan na may Santa Claus pero meron tayong Santa Claus na laging gumagabay at nakikinig ng hiling natin 'di man natin nakikita. Iyon ay ang ating Diyos at ngayon ay ang araw kung kailan isinilang ang kanyang anak na si Hesus na ating tagapagligtas", sambit ng aking ina na nagbigay ng aral.
"Opo!" masayang tugon ko.
"Kaya dapat lagi kang nagdadasal. Huwag ka mawawalan ng pag-asa sa kung ano mang problema dahil lagi Siyang nandiyan para sa'tin."sambit muli ng aking ina.
"Opo ina!"
Habang pinagmamasdan ulit naming ang mga bituin, tila ba may makinang na bituin ang dumaan.
"Ina! Ano po iyon?" tanong ko.
"Ngayon ka lang ba nakakita non?" tanong ng aking ina.
"Opo, tila ba bituing nahulog mula sa kanyang kinaroroonan."
"Iyon ay isang bulalakaw, mas kilala ng iba bilang 'shooting star'. Sabi nila 'pag may nakita ka daw na ganyan, humiling ka at maaaring matupad nung hinihiling. Maaari ding isang simbolo ng pag-asa ang bulalakaw pero iyon ay isa lang ding paniniwala parang kay Santa Claus", tugon ng aking ina.
"Wow! Ganon pala iyon. So pwede din akong humiling?"tanong ko
"Oo naman, wala namang mawawala kung susubukan mo."sagot ulit niya.
"Okay." *Sa isip ko* Sana, lagi kaming ganito. Maging maayos lang sana ang lahat.
Pagtingin ko muli sa kalawakan, may dumaan muling bulalakaw na nagpalukso ng aking dugo.
"Wow! May bulalakaw na dumaan!" malakas na sabi ko sa kanila
"Kagulat ka naman anak", sambit ng aking ama
"Malay mo, matupad iyan", sagot naman ng aking ina.
"Sana nga po.."
Ako nga pala si Travis, 16 na taong gulang. Noon pa man ay naniniwala na ko sa kung ano-ano kasi nga bata. Aswang, multo, engkanto at iba pa. Madalas tuwing Pasko naman, hinihintay namin si Santa Claus. At ito na nga, sumunod naman ang bulalakaw o shooting star. Wala namang mawawala eh. Madalas kong pangarapin at hilingin na maging maayos lang kami laging pamilya. Sa simula kasi na magkaisip na ko, hindi ko na mabilang ang araw kung saan nag-aaway ng aking mga magulang sa madaming dahilan. Pera, sugal, selos, bisyo at minsan personalan pa. Namula't ako sa mga bagay na hindi ko dapat maranasan. Dahil nag-iisang anak ako, akala ko nasa'kin na ang lahat ng oras at atensiyon nila. Akala ko sobrang magiging maalaga sila sa'kin, pero tila ba mas inaalagaan nila nung sarili nila. Kung sino ba nung mas magiging tama palagi sa kanilang dalawa. Tila ba wala lang ako sa harapan nila habang nagbabangayan at nag-aaway sila. Mahirap maging nag-iisang anak. Madalas dinidisiplina kahit sobra akong nasasaktan. Wala akong katulong sa gawaing bahay kasi isa ng dahilan ay nag-iisang anak nga kong anak at madalas silang nasa trabaho. Pareho naman silang mabait, kaso nga lang tila ba wala na silang tiwala sa isa't isa. Tinitiis ko lahat ng masasakit na karanasan. Ginawa ko ang lahat para maging proud sila sa'kin at mapagtuunan din nila ko ng pansin. Umaayos naman minsan ang lagay namin. Bati-away, bati-away nga lang ang palaging nangyayari.