Prologue

20 3 3
                                    

Hi I'm Joanna Marie Alvarez! 19 years old from Cavite!. Wala ng paligoy ligoy pa pakilala na agad walang hiya-hiya ngayon dito sa College. Electrical Engineering nga pala ang kuso ko. Sa totoo lang dap---.

"Answer this on your notebook. The resistance of the tertiary winding of a power transformer is 0.125 ohm at 25°C and the temperature coefficient of resistance at 25°C is 0.00393. What is the resistance at 65°C?" -Professor Hernandez

Minsan napapaisip ako kung bakit ako pumasok sa Engineering samantalang Culinary ang gusto ko.

"A circuit has a resistance of 8 ohms. If a voltmeter connected across its terminals read 10 V, how much current is flowing through the circuit" -Prof. Hernandez

Nagugutom pa ako hindi pa ba matatapos to. Nasakit pa ulo ko, kung tutuusin madali lang kung aaralin ang kaso hindi ko talaga gusto tong course na to.

"Miss Alvarez are you listening?"

Kung tutuusin sana natutulog pa ako ngayon bakit pa kase June ang pasok namin samantalang yung ibang university August pa ang pasok.

"Miss Alvarez are you okay?" Nakatanggap ako ng siko sa tagiliran ko tinignan ko ito ng masama sabay ininguso niya si Sir.

"S-sir... Yes sir?" Nauutal kong sagot. Ano na nga ulit ang sinasabi nito?

"Are you okay? parang masama ata ang pakiramdam mo?" Tanong ulit ni Sir. T*ng *na hindi ba talaga ako nakikinig? Ano nga ulit huli niyang sinabi?

"Yes sir, medyo masama lang po pakiramdam ko pero kaya naman po" Sagot ko. Pero gusto ko lang talaga umuwi.

Tumango tango lang siya at nag patuloy na sa pagtuturo. Sa totoo lang gusto ko ng umalis at layasan tong teacher na to kung hindi ko lang to nirerespeto nilayasan ko na to.

12:15 ng mag-dismiss si Sir. Overtime nanaman pero ok lang hindi na naman siya babalik sa oras niya eh kaya makakakain na kami ❤

"Hi love, ang tagal mo"- nakangiti niya akong sinalubong at kinuha ang bag ko.

"Sorry love, si Sir kase eh ang tagal magpalabas gutom na gutom na tuloy ako" Pagrereklamo ko sa kanya. Kumapit ako sa braso niya at kumain na kami sa labas ng school.

Siya nga pala si Trevor the love of my life ❤❤

-----lunch time-----

"Kamusta ang aking President?" Ngumiti ng nakakaloko si Love saakin

"Nako hindi nakakatuwa kung tutuusin ayoko talaga eh kaso wala akong magagawa" naalala ko tuloy noong first day of school

**flashback**

June 17, 2019

"Good morning freshman, I'm Clark at ako ang senior niyo"- Pagpapakilala ng isang gwapong chinito na nakatayo sa harap namin. Maputi at mukhang mabait naman.

"So mukhang magkakakilala na naman kayong lahat dahil narin sa Group chat na ginawa noon magbotohan muna tayo ng officers" sabi niya ulit. Oo nga pala noong nag announce ng magbobotohan eh halos dalawang linggo akong nanahimik sa aming GC para hindi makilala.

"Okay, the nomination for president is now open" sabi noong isang lalake na medyo kayumanggi at matangkad. Hindi ko maalala yung pangalan.

Ilang minutong nanahimik ang mga kaklase ko kuno. Hindi ko pa kase sila kilala kaya wala akong maino-nominate. Nakapangalumbaba lang akong nakatingin sa mga senior namin at kinikilatis silang maigi. Maya maya pa ay nag taas ng kamay yung isa kong kaklaseng lalake.

"Kuya Clark, I nominate JM for president"- Sabi ng medyo kayumanggi kong kaklase, medyo singkit at sa tingin ko hindi kami magkakasundo. Oh! JM daw, at sure akong hindi ako yon. JM kase ang pangalan ko sa Facebook at dalawa naman kaming JM sa GC so, kampante akong hindi ako ang tinutu---

"Alvarez po"- Dugtong pa nito. Ahh Alvarez teka ako yun ah!

" what the?! Ayoko" protesta ko. May binaggit pa silang dalawang pangalan at unfortunately sa kamalas malasang pagkakataon...

"Okay, your class president is JM...?" Tanong niya at nakaturo saakin.

"Joanna Marie Alvarez, JM nalang sir" sagot ko. T*ng *na talaga nakakabad trip may araw din sakin tong hudas na to. Makakaganti din ako..

**End of Flashback**

"Hahaha! Ganon talaga Love. Kaya mo yan support ako sayo"- Napakaswerte ko talaga dito sa lalakeng to.

Trevor Caleb A. Sandoval ang nag iisang lalake sa buhay ko.

Mahal na mahal kita love...

---------
Short update muna para sa aking pagbabalik may readers pa kaya ako?

Namiss ko kayo❤

October 26, 2019
12:38am

Game of LoveWhere stories live. Discover now