"Love sabay tayong umuwi ha" masayang salubong ko sa kanya
"Hindi na kita hihintayin, para matuto ka namang nag isa" Walang ganang sagot ni Trevor saakin.
Nakakainis talaga yung feeling na halos lahat nagbago na saamin. Simula ng pumasok kami sa kulehiyo parang ibang tao na ang kasama ko.
"Ahh sige naiintindihan ko" ngumiti ako bago siya umalis sa harap ko. Sige lang, iparamdam mo lang saking wala akong halaga sayo. Naalala ko tuloy noong nag papahatid ako sa bahay dahil gabi na
**flashback**
"Love hatid mo ko sa bahay" sabi ko habang nakatingin sa kanya.
"Yun na nga eh gabi na" walang ganang sagot nito. Iniintindi ko nalang baka pagod o may problema
"Yun na nga love eh gabi na, hahayaan mo ko umuwi mag isa?" Hindi sa nag papaawa ako pero t*ng *na alas otso na ng gabi at pauwi palang kami galing school hindi manlang ako ihatid.
"Hindi mo ba maintindihan? Gabi na nga" Sabi niya. Kung ako naging lalake p*tng *na hindi ko ipaparamdam sa taong mahal ko ang kaso ang malas ko at naging babae ako.
Pag lingon ko nandito na pala kami sa kanto, pumara ako at walang lingon lingong tumingin sa kanya. Oo masama loob ko, hindi dahil sa uuwi ako mag isa. Kundi hindi ko manlang maramdaman sa boses at makita sa mata niya na nag aalala siya. Nag lakad ako ng kaunti at sumakay ng sidecar.
Dito kase saamin uso yung sidecar o hind pedicab kung tawagin nila. Makalipad ng ilang minuto at bumaba na ako para muling magkalad.
"Hi miss"- sabi ng lalakeng nakatambay at nakahubad. Hindi ko to pinansin at dare-daretsong nag lakad.
"Pwede ka ba?, papaligayahin kita, ahhh ahh" nakakairita talaga yung mga ganitong lalake
"G*go" sabi ko at binilisan ang lakad pauwi.
Sinabi ko to kay Trevor at nagalit lang siya. Kesyo hindi daw ako makaintindi na gabi na kaya hindi niya daw ako naihatid, at kung tutuusin kasalanan ko naman daw kung bakit ako nabastos.
Sinong matinong lalake ang sasabihin yon sa girlfriend niya at isisisi sa kanya lahat.
G*go
**End of Flashback**
"Kain na tayo" may tumapik sa balik ko, si Liane.
Liane Coleen Monticello, 19 years old ang Mayora at Diyosa ng EE1 (Electrical Engineering 1)
"Tara, nasan si Kristine?" Tanong ko at nag ayos na ng gamit
"JM! Tara na gutom na akoooo" napalingon ako sa sumigaw sa pinto. Si Kristine nakangiti itong nakatingin saamin habang nag lalakad.
Kristine Vienna Ruiz, 19 years old ang Diwata ng buhay ko. Etong dalawang to ang gumagabay sa buhay ko.
----
"Good morning EE1, meeting muna tayo" sabi ko at umupo sa lamesa ng teacher namin. Well mabait kase ako maliit kase baka hindi makita ng mga kaklase, charet. Hahahahaha
"Magkakaron tayo ng event, ngayong buwan ng wika ang nabunot ko sa kasamaang palad ay debate ano gusto gusto niyong gawin buong section ba? O twenty na studyante lang?" Tinignan ko sila at nakatitig lang sila saakin.
"Pres, bakit hindi nalang kaya tanungin kung sino ang willing sumali" sabi ng kaklase kong lalake.
"For sure naman walang willing sumali, saka na natin pag-usapan kung sino ang sasali. Pag usapan muna natin yung topic natin" tanong ko ulit.
"Pres, bakit hindi kaya yung issue ngayon ng paglalagay ng wikang banyaga at pagtatanggal ng wikang filipino sa kolehiyo?" Sabi ni Michael.
"President! May nag hahanap sayo. President ng DEET" bumaba ako at naglakad palabas. Diploma of Electrical Engineering Technology (DEET).
"Ohh pres bakit?" Nakangiti kong tanong sa kanya
"Pres, anong nabunot niyo? Samin kase tula" sabi nito habang hawak ang kapirasong papel.
"Debate saamin eh" pagkasabi kong iyon at parang nabunutan ng tinik sa lalamunan ang president ng DEET
"Mas ok na siguro yon, pwede ba makipag palit?" Ngumiti ito sakin
"Meeting ko muna sila saglit ha" tumango ito at bumalik ako sa harapan
Kelangan maging wais, yung hindi kami madedehado.
"EE1, may offer saatin. Okay lang bang makipag palit tayo sa DEET? Tula yung nakuha nila" tanong ko sa harap. May lumapit saakin sa harap. Si michael
"Pres mas ok na yang tula makipag palit ka na baka magbago pa ang isip nila. Kami na ni Reyver ang bahala." Yon ang sinasabi ko. The best talaga ang mga baby ko. Lumabas ko at nakipagpalit.
Mas madali ang tula at maraming makata saamin, maraming tutulong at mag bo-volunteer.
-----
Ano kayang mang yayari sakanila ni Joanna at Trevor sa pagpasok sa kolehiyo?October 30, 2019
10:47am
YOU ARE READING
Game of Love
Non-FictionNasa isang mundo tayo na kung saan walang puwang ang pagmamahal. Dahil sa panahon ngayon ang magmahal ng totoo talo, ang mag tiwala talo.