INAY (One Shot)

956 13 0
                                    

Ako si Ahyan, maputi, mistisa, balingkinitan ang katawan, hindi katangkaran.

Laking Quezon ako.

Lumaki akong kasama ang Inay ko.

Masaya kami, walang problemang iniisip.

Teacher si Inay, galing no? Kaya di ko na kailangan ng tutor. Hehe.

Mahal ko si Inay, sobrang mahal.

Kasama ko siyang mangarap at tupadin ang mga ito.

Sabi ko pa sa kanya, balang araw, magiging isang architech ako.

Okay naman ang grades ko, matataas naman at walang palakol.

Dapat lang, teacher ang Inay eh.

Tahimik ang pamumuhay namin, hanggang sa dumating ang araw na hindi ko inaakalang mangyayari.

Isang araw, pag pasok ko sa eskwela, napansin kong usap usapan ako ng lahat.

Gusto ko takpan ang tenga ko sa mga naririnig ko.

Sabagay, hindi naman totoo lahat ng iyon.

Napalagay ko ang loob ko at hinantay ko na makauwo ako sa bahay.

Sasabihin ko kay Inay ang mga chinichismis nila.

Lagot sila ngayon kay Inay.

Lakas loob kong ikinwento kay Inay ang mga narinig ko, nakangiti at bibang biba ang dating.

Ngunit mukhang hindi nasiyahan ang Inay sa kwento ko.

Hindi ko alam kung bakit pero, di ba dapat matuwa ako dahil mapapagalitan ni Inay ang mga iyon?

Kaso bigla nalang tumulo ang luha ko.

Napaluhod sa sahig, sa harapan ng Inay.

Humihingi siya ng tawad sa akin dahil itinago niya ang katotohanan sa akin.

Katotohanang,..............

Ampon lang ako.

Ampon

Ampon

Ampon

Paulit ulit kong naririnig sa utak ko.

Ang sakit malaman ang katotohanan.

Sa kabila ng luha ko ay ang mahigpit na akap mula kay Inay.

Basta ang alam ko, gumaan ang loob ko dahil sa mga binitawang salita ni Inay.

Nakuntento ako at naisip ko.

Maswerte padin ako at binuhay niya ako.

Minahalng buong buo, pinalaki at pinag aral.

Makita ko man ang pinag mulan ko, siya padin ang Inay ko.

"Anak, kahit na hindi ka sa akin nanggaling, mahal na mahal kita anu man ang mangyari. Ikaw lang ang anak ko at sasamahan kita anu man ang pangarap mo. Hindi kita iiwan."

Sabi ng Inay sa akin na tila parang kantang paulit ulit sa aking pandinig.

INAY (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon