Chapter 2: Fresh Start

5 0 0
                                    

Chapter 2

"Yssa!" excited na sigaw ng Ate Carina niya. Agad siya niyakap nito. "Sa wakas nandito ka na rin." pag dagdag nito.

"Wala naman akong choice diba?" pag biro ni Yssa, pero sa totoo naaasar pa rin siya.

"Halika na. Para makapagpahinga ka na agad." binalewa na lang ng Ate niya yung sinabi niya.

Dumerecho na agad sila sa parking maya maya ay lumapit sa kanila na lalake. "Ako na mag dadala niyan." Alok niya kay Yssa.

"Huwag na po kuya. Di po kami magtataxi." sagot niya. Nagtataka niya bakit natatawa ang Ate niya.

"Yssa, si Eli nga pala boyfriend ko." pagpapakilala ng Ate Carina niya, halatang kinilig si Eli sa narinig.

"Hi Yssa, Eli Gonzales pala." inabot niya ang kamay niya kay Yssa.

"Sorry Kuya Eli, di kasi namin alam na may boyfriend na pala ito si Ate Carina." paghingi niya ng pasensya.

"Okay lang Yssa." nakangiti niyang sagot.

Maya maya pa ay nailagay na lahat ng gamit ni Yssa sa likod ng sasakyan at umalis na sila. Nagkwentuhan pa sila sa byahe dahil nagtataka talaga sinYssa kung bakit hindi siya nag sabi sa kanila na may boyfriend na pala siya. Hindi naman mahigpit ang magulang nila pag dating sa pagkakaroon ng boyfriend o girlfriend nila magkakapatid. Pero parang iniiwasan ng kapatid niya na sagutin ang tanong niya.

2 bedroom apartment ang tinitirahan ng Ate Carina niya. Maliit ang sala/dining area pero tamang tama lang para sa kanilang mag kapatid. Meron nang nakahanda na pagkain sa lamesa. Na parang bagong luto. Maya maya pa ay kumain na sila.

"Ang sarap naman nito, sino nag luto?" tanong ni Yssa

"Ako siyempre." sagot agad ng Ate Carina niya.

"Hindi ako naniniwala, dahil nung nasa pinas ka pa hindi ka marunong magluto. Itlog nga lang nasusunog mo pa." natatawang sinabi ni Yssa. Tinignan niya si Eli na para bang nagtatanong kung siya ba ang nagluto.

"Hindi ako. Yung Kaibigan ko na kasama ko sa bahay ang nagluto nito." sagot ni Eli

"Hmmm pwede siya maging chef. Pasabi Kuya Eli masarap. Salamat Kamo."

"Sige makakarating."

Pagkatapos nila kumain niligpit na ng magkasintahan ang pinagkainan nila, samantalang si Yssa naman dinala na ang gamit niya sa kwarto niya. Humiga siya agad sa kama dahil napagod siya sa byahe at hindi nakatulog sa buong flight. Makakatulog na sana siya nang biglang mag ring ang phone niya.

Babe ♥️ calling...

Sinagot niya agad nang makita niya si Harmon pala ang tumatawag.

"Hi babe." sagot ni Yssa.

"Nasa bahay ka na? Parang pagod na pagod ang babe ko." may halong pagaalalang sinabi ng kanyang boyfriend

"Oo babe, hindi ako nakatulog sa flight. Ngayon ko nararamdaman ang pagod."

"Anong oras na ba diyan?"

"1:30 am po, alam ko 5 hours ahead ang pinas. Bale 6:30 am na diyan." halata na sa boses ni Yssa na inaantok na siya. "Bakit di ka pa nagpprepare malalate ka na niyan sa trabaho mo." pag dadagdag niya.

"I just want to check first if you arrived safely." sagot ni Harmon

"Ang sweet naman ng babe ko." sabay hikab ni Yssa.

"Sige na babe, take a rest already. Magaayos na ako at baka pagalitan ako ni boss pag nalate ako sa breakfast meeting namin. I love you babe. Take care. Talk to you soon."

Kahit antok na si Yssa kinilig pa rin siya "Ano kinain mo bakut ang sweet sweet mo. Ingat ka rin babe. I love you. Message kita pag gising ko." pagkatapos nun binaba niya yung tawag at maya maya ay nakatulog na siya.

That afternoon...

Past 12:00 pm na nagising si Yssa and she feels recharged. Alam niya na baka naka alis na para sa trabaho ang Ate Carina niya kaya nag decide muna siya maligo bago kumain.

Lumabas siya nang nakatapis lang ng twalya."Ahh! Sino ka?!" Agad siya napasigaw pag labas niya ng banyo. May isang lalaki na di niya kilala na papunta sa kusina nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 22, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hindi Tayo Pwede 💔 (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon